This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
NAHUKAY ng backhoe ang ibaβt ibang parte ng kalansay ng tao sa loob ng isang drum kamakalawa ng hapon sa Binondo, Maynila.
Hindi sinasadyang nahukay ng backhoe operator na si Jesus Punla, 48, ng San Jose, Guagua, Pampanga, dakong 3:56 p.m. ang kalansay sa loob ng drum sa Estero dela Reina sa Tetuan Street kanto ng Sabino Padilla Street, Binondo, Maynila.
Ayon sa ulat, habang nagsasagawa si Punla ng dredging operation sa Estero dela Reina nahukay ang isang drum.
Nang buksan ang drum, tumambad ang ibaβt ibang bahagi ng kalansay ng tao.
Hinala ng pulisya, halos dekada nang nakalibing ang drum kaya kalansay na lamang ang bangkay sa loob nito.