Medtech nagbaril sa sarili (Inaway ni misis)

102714 broken hearted suicideILOILO CITY – Nakatakdang isailalim sa autopsy examination at paraffin test ang bangkay ng isang medical technologist na sinasabing nagbaril sa sarili sa kanilang bahay sa DG Abordo St., Poblacion, Janiuay, Iloilo kamakalawa.

Ayon kay Insp. Kenneth Bermejo ng Janiuay PNP, natagpuan patay ang biktimang si Ryan Servantes y Herbias, 36, sa kanyang silid nang tatawagin sana ng kanyang kaanak para kumain.

Ang biktima ay may tama ng bala sa ulo mula sa .45 caliber pistol na na-recover sa tabi ng bangkay.

Hindi pa matukoy kung ano ang dahilan ng pagpapakamatay ng biktima ngunit base sa inisyal na pag-usisa ng mga pulis, nag-away ang biktima at ang kanyang misis na nasa abroad base sa nabasang pag-uusap ng dalawa sa kanilang pag-chat sa laptop.