Bus sumalpok sa MRT station, 6 sugatan

bus MRTSUGATAN ang anim pasahero makaraan sumalpok sa poste ng istasyon ng Metro Rail Transit (MRT) ang sinasakyan nilang bus kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Sa anim na mga biktima, kinilala ng MMDA Rescue Team Unit ang tatlo na sina Rose Ann Ablaza, 23; Jose Gimoro, 56, at Allan Diamante, 53, isinugod sa Ospital ng Makati.

Sinabi ni MMDA Traffic Constable Rolando Chacob, dakong 6 p.m. nang maganap ang insidente sa North bound lane ng EDSA, Guadalupe Nuevo ng naturang lungsod.

Habang sakay ang mga biktima ng Roval Bus (UVF-128) ay hindi nakapagpreno ang driver dahilan kaya sumalpok ang sasakyan sa poste ng MRT station sa nabanggit na lugar.

Jaja Garcia