Alma, pumasa sa Interior Designer board exam
ni Alex Datu
BINABATI namin si Alma Concepcion sa pagpasa nito sa board exam ng Interior Designer na sa University of the Philippines siya nagtapos.
Ayon kay Alma, sinubukan niyang maka-graduate ng Cum Laude pero kaunti lang ang kulang para maabot ang marka sa kanyang grado.
Aniya, umabot siya sa puntong gusto na niyang huminto sa pag-aaral noong nasa second year dahil hirap na siya lalo pa’t parang ayaw nang pumasok sa kanyang memorya ang pinag-aaralan.
Talagang napagdesisyonan na nitong huminto pero parang may himalang nagtulak sa kanya na tapusin dahil wala itong magiging fall-back sakaling ayaw nang mag-showbiz. Kaya naman, nang mag-graduate at pumasa, napa-iyak siya at naramdaman ang tila pagkapanalo sa beauty pagent bilang Ms Philippines-International.
Sa ngayon, matagumpay si Alma sa kanyang napiling propesyon. Inamin nito na hindi bago sa kanya ang ginagawa bilang full-pledged Interior Designer.

