Monday , November 29 2021

2 anak ng live-in partner, sex slave ng driver

111114 rapeARESTADO ang isang dating family driver na ilang taon gumahasa sa dalawang anak na babae ng kanyang kinakasama sa Nagcarlan, Laguna.

Hindi nakapalag ang suspek na si Ariel Manjares ng Brgy. Sta. Lucia nang hulihin ng mga pulis pasado 5 a.m. kahapon.

Ikinasa ang operasyon makaraan samahan ng tiyahing taga-Maynila ang dalawang bata na magsumbong sa pulis nitong Martes.

Ayon sa ulat, simula nang magsama ang suspek at ang nanay ng mga biktima, nagsimula na rin ang panghahalay sa dalawang stepdaughter.

Nabatid na unang ginalaw ang isang biktima simula pa noong 15-anyos hanggang umabot ng 19-anyos, habang ang nakababatang kapatid na 16-anyos ay may dalawang taon na rin ginagalaw ng suspek.

Dating family driver si Manjares ngunit kasalukuyang walang trabaho kaya tuwing umaalis ng bahay ang ina ng dalawang biktima ay doon siya sumasalisi.

Nahaharap ang suspek sa kasong multiple counts ng rape, attempted rape at child molestation.

Boy Palatino

About hataw tabloid

Check Also

5 tulak nakalawit
DRUG DEN NABUWAG SA SUBIC

ARESTADO ang limang drug suspects habang nabuwag ang isang hinihinalang drug den ng mga awtoridad …

Driver sugatan sa ambush
KANDIDATONG KONSEHAL, 1 PA TODAS

PATAY sa pamamaril ng mga hindi kilalang suspek ang isang kumakandidatong konsehal at ang kanyang kasama …

300 bahay naabo sa Cebu

NATUPOK ang hindi bababa sa 300 bahay nang sumiklab ang sunog sa Brgy. Mambaling, sa lungsod …

Paslit na anak minolestiya
ng maelyang ama

HINDI na nakapagpigil  ang isang maelyang ama at pati ang sariling anak na 4-anyos ay ‘pinaglaruan.’ Naaresto …

Binata sinaksak ng tiyuhin sa QC

MALUBHANG nasugatan ang isang binata makaraang saksakin ng tiyuhin dahil sa matagal nang alitan na naungkat …

Leave a Reply