This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
NAWAGAN ang Palasyo sa mga negosyante na paspasan ang pagkuha sa kanilang mga kargamento sa Port of Manila bago ang Pista ng Poong Nazareno sa Biyernes at pagdating ni Pope Francis sa bansa sa Enero 15.
Sinabi ni Cabinet Secretary Rene Almendras, ang naturang mahahalagang okasyon ay maka-aapekto sa daloy ng mga kargamento sa pantalan.
“On Friday, we have the Feast of Poong Nazareno po where we know na hindi na naman po makakagalaw ‘yung mga trucks or anyone into the area, especially ‘pag simula na po ‘yung procession. And then, we have—next week, we have a very important visitor and we expect that as early as Friday there will again be a disruption on the flow of traffic and goods,” ani Almendras sa press briefing sa Palasyo kahapon.
Hinimok niya ang mga negosyante na madaliin ang paghakot sa kanilang mga kargamento sa pier, lalo na ngayon, Huwebes, Sabado hanggang sa Miyerkoles sa susunod na linggo na normal naman ang operasyon sa pantalan.
Ang mga araw naman na hindi makabibiyahe ang mga truck ay gagamitin ang mga barko sa paghahakot ng empty containers.