Monday , May 20 2024

Monthly Archives: December 2014

Walang Pinoy sa hostage crisis sa Australia

WALANG nadamay na Filipino sa 16 oras na hostage crisis sa cafe sa Sydney, Australia na ikinamatay ng tatlo katao. Kinompirma ito ni Foreign Affairs Assistant Secretary Charles Jose batay na rin sa impormasyon mula sa New South Wales Police na iniulat sa kanila ng consulate general ng embahada sa Sydney. Kabilang sa mga namatay ang dalawang hostage at mismong …

Read More »

Senglot nahulog sa hagdan ng hotel tigok

BINAWIAN ng buhay ang isang 54-anyos lalaki nang mabagok ang ulo makaraan malaglag habang bumaba sa hagdanan ng isang motel kamakalawa ng hapon sa Sta. Mesa, Maynila. Nalagutan ng hininga sa Lourdes Hospital dakong 2:45 p.m. ang biktimang si Edgar Alpano, ng Lot 95, Cluster 41, Bagong Nayon, Antipolo City. Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Rommel del Rosario, naganap ang …

Read More »

Lahat ng paliparan dapat tadtarin ng CCTV vs krimen — Sen. Koko

MULING nanawagan si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III sa mga awtoridad sa lahat ng paliparan sa bansa na maglagay ng CCTV cameras sa loob at labas ng mga airport upang magdalawang-isip ang sino mang nais gumawa ng krimen. Muli niya itong ipinaalala matapos mahuli sa akto ang isang airport police na binasag ang salamin ng taxi nang tumanggi ang tsuper …

Read More »

Disaster Response dapat puliduhin — Sen Marcos Jr.

KAILANGAN pang gawing pulido ng pamahalaan ang disaster response and relief operations nito upang maiwasan ang malalang bilang ng pagkakamatay ng mga mamamayan sa panahon ng trahedya. Ito ang pananaw ni Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., maka-raang magpatawag ng hearing sa mga opisyal ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Office of Civil Defense ng Department of …

Read More »

Cara Delevingne: Model of the Year

HINIRANG bilang Model of the Year si Cara Delevingne, na kamakailan ay pinasok na rin mula sa pagmomodelo ang pag-aartista at pagdisenyo sa fashion industry. Isa ang 21-anyos na London-born model sa ‘most recognizable faces’ ng taon 2014—pareho sa daigdig ng fashion at luxury magazine sa mas malawak na pop-culture. Sa pagtatapos ng taon 2014, nagpatuloy si Cara sa kanyang …

Read More »

Amazing: ‘Box of nothing’ best gift sa Pasko?

    ANO ang nararapat iregalo sa Pasko para sa taong halos nasa kanya na ang lahat? Kahon na walang laman. Ang ‘You Need Nothing’ ay nagbebenta ng mga kahon na walang laman kundi plain cinder block na puti o itim ang kulay – sa halagang £27 and £106. Ang maiipong kita mula rito ay ipagkakaloob sa Oxfam. Ang Oxfam …

Read More »

Feng Shui: Higit pang biyaya matatanggap kung magpapasalamat

AYON sa pagsasaliksik ang pagpapasalamat ang isa pinaka-epektibong paraan upang lalo pang lumigaya. Ito ay mainam ding paraan na pagtiyak na ikaw ay namumuhay sa sandali at humihikayat ng kasaganaan sa bawat erya ng iyong buhay. Sa ating pagpapasalamat sa lahat ng bagay na ating natamo – at bawat bagay na ating nais makamit – tayo ay nagpapadala ng powerful …

Read More »

Ang Zodiac Mo (Dec. 16, 2014)

Aries (April 18-May 13) Ang iyong sigla ngayon ay puro sa pagsasalita lamang at hindi sa pag-aksyon. Taurus (May 13-June 21) Ang pagiging mapagpasensya ay posibleng hindi umubra ngayon. Gemini (June 21-July 20) Manatili sa punto at huwag nang magpaligoy-ligoy pa kaugnay sa iyong nais sabihin. Cancer (July 20-Aug. 10) Bunsod ng nerbiyos, posibleng hindi mo masabi ang nais mong …

Read More »

It’s Joke Time

SEXY LADY: “Father, mangungum-pisal po ako.” PARI: “Sige iha, ano ba ang nagawa mong kasalanan? SEXY LADY: “Kasi po nakipag-sex ako sa Pari, sa kabilang parokya.” PARI: “Ah, ok, 5 Our Father. Pero sa su-sunod iha, tandaan mo, dito ang iyong parokya.” (Hehehe!) *** adan at eba Bakit kinagat ni Adan ang mansanas ni Eba? Kasi kung may kutsilyo na …

Read More »

Taong Grasa (Tao Pa rin) (Ika-3 labas)

Ayon sa cigarette vendor sa gilid ng convenience store, isang lalaking mapagkawang-gawa ang nag-abot sa pulubi ng mga kasuotang iyon na may kasama pang biskwit. Ay! Nakatutuwa naman ang nasagap kong balita sa tindera ng sigarilyo. Bihira na nga kasi ang may pakialam at may kakayahang makialam sa problema ng kapwa-tao. Kinabukasan ng hapon ay tinawagan ako sa cellphone ni …

Read More »

Oh My Papa! (Part 4)

BIGLANG SUMULPOT ANG KANYANG TATAY PINAGHAHANDA SILA PARA KAUNIN KINABUKASAN “Karl Mark” ang buong pangalang ibinigay sa akin ni Itay na hango sa pangalan ng German philosopher, economist, sociologist, at revolutionary socialist na si Karl Marx. At kabilang sa mga aklat nito   na paborito niyang basahin ang “The Communist Manifesto” at “Das Kapital” na sinulat ni Marx. Madalas ko siyang …

Read More »

Sexy Leslie: virgin pa kahit naka-20 GF na

Sexy Leslie, Bakit po kaya laging gustong makipag-sex sa akin ng nobya ko? Jhun ng Tondo Sa iyo Jhun, May mga babae talagang extra hot pagdating sa sex. At siguro magaling ka ring lover kaya ganoon…Ngayon kung hindi mo ito nagugustuhan, libangin ang GF mo sa pamamasyal o kaya ay umiwas na humantong kayo palagi sa pribadong lugar. Sexy Leslie, …

Read More »

Ginebra, TnT maggigibaan

PAGLALABANAN ng Talk N Text at Barangay Ginebra ang huling semifinals ticket ng PBA Philippine Cup sa isang sudden-death game mamayang 7 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. Makakatagpo ng magwawagi sa larong ito ang elimination round topnotcher San Miguel Beer sa semifinal round na mag-uumpisa sa Biyernes. Kapwa dinaig ng Tropang Texters at Gin Kings ang magkahiwalay …

Read More »

Alaska handa sa Rain or Shine — Compton

NGAYONG inilaglag na ng Alaska Milk ang Meralco sa kanilang knockout na laro noong Linggo, susunod na paghahandaan ng Aces ang Rain or Shine sa semifinals ng PBA Philippine Cup na magsisimula sa Huwebes sa Mall of Asia Arena. Ayon kay Alaska coach Alex Compton, magiging maganda ang serye nila kontra Elasto Painters na tumalo sa kanila sa semifinals ng …

Read More »

Samboy inalis na sa ICU (Mga PBA legends tutulong kay Lim)

ILANG mga dating kasamahan ni Avelino “Samboy” Lim sa PBA ang nagpaplanong magtayo ng isang exhibition na laro para tulungan sa paglikom ng pera para sa pagpapaospital niya. Ito’y kinompirma ni Purefoods Star team manager Alvin Patrimonio habang unti-unting inaayos ang paglilipat ni Lim mula sa intensive care unit ng Medical City Hospital sa Ortigas sa isang regular na kuwarto. …

Read More »

GM Villamayor hari sa Penang Chess Open

NAKUNTENTO sa kalahating puntos na tinapyas ni Pinoy GM Buenaventura “Bong” Villamayor kay GM Susanto Megaranto sa ninth at final round upang sungkitin ang titulo sa katatapos na 6th Penang Heritage City International Chess Open 2014 sa Malaysia. Nakaipon ng seven points ang 3rd seed Villamayor (elo 2440) mula sa five wins at four draws matapos makatabla kay top seed …

Read More »

Gaganti ang hotshots sa 2nd conference

ANG apat na koponang nagtaglay ng twice-to-beat advantage sa unang yugto ng quarterfinals ng PBA Philippine cup ay hindi na nagpatumpik-tumpik pa’t idinispatsa na kaagad ang kanilang mga kalaban. Sa totoo lang, expected naman na didiretso ang tatlo sa mga ito nang walang kaabug-abog. Llamado kasi ang Alaska Milk sa NLEX, ang Talk N Text sa Barako Bull at ang …

Read More »

Kris, pinagtatanggal daw ang kanyang mga kasambahay

TOTOO kaya ang kumakalat na chikang pinagtsutsugi raw ni Kris Aquino ang mga kasambahay niya all because sila raw ang source of chismis sa buhay niya? We heard that Kris was so frustrated dahil sa mismomg mga kasambahay pa raw niya nanggagaling ang chismis about her kaya lumalabas ito sa mga showbiz column. With that ay naimbiyerna na raw ang …

Read More »

Ai Ai, ayaw na sa Twitter at Instagram

WALA ng Twitter and Instagram account ang Concert Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas. “Noon ko pa naman din kasi nare-realize na modesty aside, hindi naman sa nagyayabang kami, nagkaroon kami ng mga pangalan ng wala namang social media. Hindi kami pinasikat ng social media,” say niya sa amin over lunch matapos ang kanyang pa-Christmas party for her …

Read More »

Tito Alfie, bina-bypass daw ni Juday

WEARING a yellow collared t-shirt with a logo of ABS-CBN, hinarang namin si Alfie Lorenzo sa press party ng TV5 (at Centris last December 3) nang iluwa ng kanyang sasakyan near the entrance. After a brief exchange of pleasantries, naitanong namin sa tanyag na talent manager cum columnist kung kumusta na sila ng kanyang alagang si Judy Ann Santos. Modesty …

Read More »

Meg, kahilera na sina LT, Carmi, at Glydel sa paseksihan

HAPPY kami sa takbo ng career ni Meg Imperial dahil hindi naging maramot ang 2014 sa kanya. Mas lalong darami ang nagpapantasya at mag-iinit sa tinaguriang desirable star dahil siya ang bagong White Castle Girl para sa 2015. Kalinya na niya ang mga nagseseksihan sa kanilang henerasyon gaya nina Lorna Tolentino, Carmi Martin, Glydel Mercado, Cristina Gonzales, Roxanne Guinoo, RR …

Read More »

BF nina Isabelle at Solenn, sobrang close

“ACTUALLY, ‘yung boyfriends namin, sila talaga ang mag-on,” pabirong pahayag ni Isabelle Daza sa presscon ng filmfest entry na Kubot: The Aswang Chronicles nang tanungin kung nagbibigayan  ba sila ng tips ng bestfriend niyang si Solenn Heussaff dahil parehong foreigner ang boyfriend nila. “Kasi parang sobrang bestfriends sila, na minsan kami ni Solenn, nao-OP kami. So that’s why we plan …

Read More »

Anak ni Robin na si Camille, hanga sa pagho-host ng ama

NAALIW kami sa kuwento ni Mariel Rodriguez sa pagdating ng anak ni Robin Padilla kay Leah Orosa na si Camille. Inglisera kasi ang  dalaga at hindi marunong mag-Tagalog. “Umalis si Robin, ‘di ba? Galing siya ng Japan? Pag-uwi niya, napansin ko na napagod nga yata ito. Paano, ‘di na nag-effort mag-English, Tagalog niya kinakausap ang anak niya, tina-translate ko. ‘Yun …

Read More »