Senglot nahulog sa hagdan ng hotel tigok

083014 deadBINAWIAN ng buhay ang isang 54-anyos lalaki nang mabagok ang ulo makaraan malaglag habang bumaba sa hagdanan ng isang motel kamakalawa ng hapon sa Sta. Mesa, Maynila.

Nalagutan ng hininga sa Lourdes Hospital dakong 2:45 p.m. ang biktimang si Edgar Alpano, ng Lot 95, Cluster 41, Bagong Nayon, Antipolo City.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Rommel del Rosario, naganap ang insidente dakong12 p.m.saΒ RM 3 ng Gardenia Motel sa Sta. Mesa.

β€œLasing β€˜yung biktima e, pagbaba sa hagdanan, nawalan ng balance, tuloy-tuloy na nahulog, napasama β€˜yung tama ng ulo,” ayon kay SPO1 Del Rosario.

Nabatid na may kasamang babae ang biktima nang mag-check-in sa nabanggit na motel.

Leonard Basilio