Wednesday , May 29 2024

Monthly Archives: December 2014

Pagpapapogi ni Garcia, masakit sa mga empleado ng SBMA

PUMAPALAG na ang libo-libong empleado ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sa Su-bic Freeport Zone sa Olongapo City dahil kung ilang taon na silang humihingi ng umento kaya nanawagan sa kaagad na pagpapatupad ng Sa-lary Standardization Law (SSL), ang batas na nagtatakda sa basehan ng suweldo sa mga manggagawa ng gobyerno. Kinumpirma ni SBMA Director Philip Camara sa pakikipagpulong sa …

Read More »

P1.9M tinangay ng empleyado

NAGLAHO ang isang empleyado ng customs brokerage sa Maynila at ang kanyang kaibigan noong isang buwan tangay ang P1.9 milyon na dapat ipambayad sa dalawang kliyente ng kompanya. Humingi ng tulong sa Manila Police District-Theft and Robbery Section si Paul Mark Lianko, credit and collection officer ng Lawrence Customs Brokerage, at kinilala ang mga suspek na sina Jimroy Golimlim at …

Read More »

Masamang halimbawa

ANG mga ikinikilos ni Director General Alan Purisima, Philippine National Police Chief, ay patuloy na nagpapakita ng masamang halimbawa hindi lang para sa institusyon na kanyang pinamumunuan, kundi sa lahat ng mamamayang Pilipino. Sa puntong ito, ang tingin ng iba ay si Purisima na ang pinakamasamang pinuno na naupo sa PNP bunga ng mga kontrobersiya, kabilang na ang sinasabing “under …

Read More »

I-drug test ang mga tauhan ng RWM Towing

Dapat sa mga tauhan ng mga towing at Crew kasama ang kanilang mga Team Leader ay dapat sumailalim sa Drug Test dahil marami sa mga ito ay gumagamit ng ipinagbabawal na gamut. ito ang binulgar ng ilang tauhan ng nasabing mga towing dahil sa sila ay natanggal na dahil sa laki ng kinikita nla bawat huli ay nagagawa pa nitong …

Read More »

Kustodiya kay Pemberton igigiit ng Palasyo

IGIGIIT ng Palasyo ang karapatan ng Filipinas sa kustodiya kay Lance Corporal Joseph Scott Pemberton na akusado sa pagpatay kay Filipina transgender Jennifer Laude. Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, bagama’t naninindigan ang Malacañang na dapat nasa Filipinas ang hurisdiksyon kay Pemberton ay kailangan pa rin itong dumaan sa proseso alinsunod sa Visiting Forces Agreement (VFA). “We have to follow …

Read More »

Negosyante patay P.1-M tinangay ng holdaper

BINAWIAN ng buhay at natangayan ng P100,000 cash ang isang negosyante sa Roxas Boulevard, nitong Miyerkoles ng umaga. Bagama’t naisugod ay binawian din ng buhay sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Honrado Hernandez, 47, may-ari ng car rental business at isang maliit na restaurant. Ayon sa maybahay ng biktima na si Thelma, galing sa banko ang kanyang mister at …

Read More »

Globe katuwang ang Line para sa libreng int’l calls sa Globe, TM sa holidays

NAKIPAGTAMBALAN ang Globe Telecom, sa pamamagitan ng International Business Group nito, sa nangungunang communications application LINE, na magkakaloob ng magandang pagkakataon sa mga Pinoy sa buong mundo na kumonekta sa kanilang mga minamahal sa Pilipinas sa holiday season. Sa loob ng siyam na araw, mula Disyembre 24, 2014 hanggang Enero 1, 2015, ang LINE users sa buong mundo, kabilang ang …

Read More »

Power rates tataas sa Enero (Masamang balita)

INAASAHAN ang pagtaas ng presyo ng koryente Enero ng 2015 sa kabila ng pagbaba ng presyo ng petrolyo. Ayon kay Executive director Saturnino Juan, maaaring aabot sa apat sentimo kada kilowatt-hour ang karagdagang bayad makaraang aprobahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang feed-in-tariff allowance (FIT-ALL) para sa renewable energy projects. Ang FIT-ALL ay ibibigay sa renewable energy players bilang insentibo …

Read More »

15-anyos niluray Obrero kalaboso

WASAK ang kinabukasan ng isang 15-anyos na dalagita makaraan pagpasasaan ng isang obrero sa loob ng bahay ng biktima kahapon ng madaling araw sa Caloocan City. Swak sa kulungan ang suspek na kinilalang si Joselito Pontillano, 32, ng Bukludan Petunia St., Sampaguita Subdivision, Camarin ng nasabing lungsod, nahaharap sa kasong rape in relation to R.A. 7610 (Child Abuse) Batay sa ulat …

Read More »

Notoryus hitman todas sa raid (6 arestado)

PATAY ang isang notoryus na hitman-holdaper sa ikinasang raid ng Quezon City Police District (QCPD) sa Brgy. Pinyahan, kahapon ng umaga. Ayon kay Supt. Limuel Obon, pinaputukan sila ni alyas Totoy Bite kaya sumiklab ang enkwentro at napatay ang suspek. Narekober ang dalawang kalibre .45 baril ng suspek. Habang arestado ang anim na iba pa sa naturang raid sa lugar …

Read More »

Ika-3 suspek sa Belmonte ambush timbog

CAGAYAN DE ORO CITY – Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang  pangatlong suspek sa pag-ambush sa grupo ni Iligan City Lone District Rep. Vicente Belmonte sa Laguindingan, Misamis Oriental na ikinamatayng tatlo katao habang apat ang sugatan. Sinabi ni provincial administrator Jun Pacamalan, ang mga residente ng Brgy. Gasi sa Laguindingan ang nakahuli sa nasabing suspek kamakalawa at dinala …

Read More »

Seaman nadulas sa barko tigok

HINDI nagawang maisalba ang buhay ng isang seaman nang aksidenteng madulas at tumama ang ulo sa gilid ng bakal ng main deck ng barko hanggang sa mahulog sa Manila Bay ang 54 kahapon ng madaling araw sa Pasay City. Patay na nang matagpuan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang biktimang si Esmeraldo Malolot, may asawa, 3rd mate seaman ng …

Read More »

Holdaper utas sa shooutout

PATAY noon din ang isang hinihinalang holdaper makaraan makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District kahapon ng umaga sa nasabing lungsod. Sa ulat kay Sr. Supt. Joel D Pagdilao, QCPD Director, kinilala ang napatay na si Freddie Nicol, 39, alyas Totoy Bite, ng NIA Road, Brgy. Pinyahan, Quezon City. Ayon kay Inspector Elmer Monsalve homicide chief ng Quezon City …

Read More »

Kelot tinaniman ng 12 bala sa katawan

LABINDALAWANG tama ng bala ang tumapos sa buhay ng isang lalaki makaraan pagbabarilin ng dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo sa Brgy. Sabang, Baliuag, Bulacan kamakalawa ng umaga. Sa ulat mula sa Baliuag PNP, kinilala ang biktimang si Roy Gacusan, 36, residente ng Brgy. Caingin, sa bayan ng San Rafael sa naturang lalawigan. Nabatid sa ulat, pauwi na si Gacusan mula …

Read More »

PNP, nakahanda para sa ‘Christmas rush’ — Roxas

SA NALALAPIT na pagsapit ng Pasko at Bagong Taon, tiniyak ni Interior at Local Government Secretary Mar Roxas na handang-handa na ang 150,000 tauhan ng Philippine National Police (PNP) upang panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa lansangan. Nakipag-ugnayan na si Roxas kay PNP OIC Chief Supt. Leonardo Espina upang masigurong nakatutok ang mga awtoridad sa mga lugar na pinamumugaran ng …

Read More »

‘Entertainment press’, nakipag-jamming sa ABS-CBN Philharmonic Orchestra

TAON-TAON isa sa pinakahihintay naming Christmas party ang sa ABS-CBN. Paano’y talagang laging bida ang mga taga-entertainment press. Bukod pa sa dalawang buwan bago ang Disyembre’y pinag-iisipan na nilang mabuti kung ano ang pakulong gagawin nila sa Christmas party for the press. Noong Lunes, ginanap ang #ABSCBNThankYouMediaParty! sa Dolphy Theater at muli napasaya nila ang mga entertainment media. Hindi man …

Read More »

Kathryn, humahataw kahit wala si Daniel

HINDI kasama ni Kathryn Bernardo si Daniel Padilla sa Wansapanataym pero hataw pa rin ito sa ratings game. Patunay lang na kaya ni Kathryn ng walang ka loveteam. Samantala, isang mahalagang desisyon para sa kanyang kinabukasan ang gagawin ng karakter ng Teen Queen na si Kathryn sa pagpapatuloy ng Wansapanataym Presents Puppy ko si Papi. Sa gitna ng pagkakaayos ng …

Read More »

Kapit-tuko pa rin ang walang kahihiyang si D/G Bucayo?!

PINATIGAS na rin ba talaga ang kahihiyan sa katawan ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Franklin Bucayo!? Aba ‘e bukayong-bukayo na siya sa kapabayaan niya sa kanyang tungkulin at trabaho sa sambayanan ‘e nagagawa pa niyang ‘umikot’ sa iba’t ibang estasyon ng telebisyon at radio kahapon ng umaga para linisin ang kanyang pangalan at bolahin ang taong bayan matapos …

Read More »

Kapit-tuko pa rin ang walang kahihiyang si D/G Bucayo?!

PINATIGAS na rin ba talaga ang kahihiyan sa katawan ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Franklin Bucayo!? Aba ‘e bukayong-bukayo na siya sa kapabayaan niya sa kanyang tungkulin at trabaho sa sambayanan ‘e nagagawa pa niyang ‘umikot’ sa iba’t ibang estasyon ng telebisyon at radio kahapon ng umaga para linisin ang kanyang pangalan at bolahin ang taong bayan matapos …

Read More »

Pope Francis suportado ng CPP — Sison

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng suporta si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chair Jose Ma. Sison para kay Pope Francis at sa kanyang pagbisita sa Filipinas sa Enero ng susunod na taon. “Si Pope Francis ay pinili upang resolbahin ang mga problema sa loob ng simbahan. Lubos itong batid ng mga taong-simbahan. Alam nila na siya ay may …

Read More »

Pemberton sa amin pa rin (Hirit ng US)

IPINAGPILITAN ng Estados Unidos ang kanilang karapatang magkustodiya sa kababayang si US Marine PFC Joseph Scott Pemberton makaraan masampahan ng kasong murder kaugnay ng pagpatay sa transgender woman na si Jeffrey Laude alyas “Jennifer” noong Oktubre 11, 2014 sa isang hotel sa  Olongapo City. Ayon sa kalatas na inilathala sa kanilang website, iginiit ng US Embassy sa Manila ang mga …

Read More »

‘Disability Test’ sa APD inilalarga ni Ret. Gen. Jesus Gordon Descanzo

WALA na naman tigil ang inbox ng inyong lingkod sa mga natatanggap nating hinaing kaugnay ng DISABILITY TEST na biglang iniutos umano ni Airport Police Department (APD) chief, ret. Gen. Jesus Gordon Descanzo. Isang Col. William Dokot ‘este’ Dolot umano ang ‘urot’ na nagpa-bright bright nitong ‘disability test.’ Hindi natin alam kung ano ang layunin ng disability test ni Col. …

Read More »

Duterte kailangan na rin ng bayan

Napapanahon na para pagbigyan ni Davao City Mayor Rudy Duterte ang panawagan ng sambayanan na paglingkuran niya ang buong bansa. Ito kasi ang hamon ng kasalukuyang panahon dahil kilala ang mayor ng Davao City sa pagiging astig lalo na sa usapin ng peace and order. Kaliwat kanan ang gulo sa bansa kaya’t hindi mamamatay-matay ang paghiling kay Duterte na sumabak …

Read More »

Bangkay ng bebot lumutang sa Tullahan River

LUMULOBO na ang bangkay at walang saplot na pang-ibaba ang isang babae nang matagpuang nakalutang sa Tullahan river kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City. Inilarawan ng pulisya ang biktimang hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan, na may gulang 24 hanggang 28-anyos, may tattoo na paro-paro sa braso at Sam sa binti. Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng sinasabing …

Read More »