Ang Zodiac Mo (Dec. 16, 2014)

Aries (April 18-May 13) Ang iyong sigla ngayon ay puro sa pagsasalita lamang at hindi sa pag-aksyon.

Taurus (May 13-June 21) Ang pagiging mapagpasensya ay posibleng hindi umubra ngayon.

Gemini (June 21-July 20) Manatili sa punto at huwag nang magpaligoy-ligoy pa kaugnay sa iyong nais sabihin.

Cancer (July 20-Aug. 10) Bunsod ng nerbiyos, posibleng hindi mo masabi ang nais mong ipahayag ngayon.

Leo (Aug. 10-Sept. 16) Posibleng makipag-argumento sa isang tao kaugnay sa mahalagang paksa.

Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Posibleng uminit ang ulo ngayon kaugnay sa hindi magandang salitang maririnig.

Libra (Oct. 30-Nov. 23) Hindi ito ang tamang sandali para maging middle-man o consultant.

Scorpio (Nov. 23-29) Dapat mabatid na hindi mainam ang araw ngayon para sa romantic confession.

Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Kung nagtatrabaho sa creative field, posibleng makaranas ng krisis bunsod ng kawalan ng inspirasyon.

Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Maaaring mahirapan na manatiling kalmado at balanse ngayon.

Aquarius (Feb. 16-March 11) Kailangang manindigan sa pagdidiin ng iyong punto ngayon.

Pisces (March 11-April 18) Huwag tatanggap ngayon ng high priority projects. Tapusin muna ang dapat na tapusin.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Ang biglaang determinasyon sa pagsusulong ng isang bagay ay posibleng panandalian lamang.

ni Lady Dee