Friday , April 26 2024

KC Concepcion, wish na maging guardian angel ang kanyang Mamita

00 Alam mo na NonieMASAKIT pa rin para kay KC Concepcion ang pagkawala ng kanyang mahal na lolang si Mommy Elaine Cuneta na tinatawag ni-yang Mamita. Pero ayon sa aktres, pinipilit niyang kayaning tanggapin na wala na ang kanyang lola.

“Siguro po, kasi nagba-bye sa akin si Mamita, two months before she really passed away. Nag-selfie pa nga ako… iba talaga ‘yung goodbye niya…

“So, na-prepare niya ako, na-prepare ako talaga. Ang biggest fear ko before was mawala siya. So, pray ako nang pray kay Lord na sana ay kayanin ko, ayaw kong maloka, ayaw kong ma-depress,” malungkot na saad ni KC.

Dagdag pa niya, “Hindi ako makapaniwala na never ko na siyang makikita. Na nakikita ko ang gamit niya na parang and’yan lang siya, pero actually, ang tagal pa bago ko siya makikita ulit. Best friend ko siya e, magkatabi kaming matulog ni Mamita… I can’t come to terms with the idea yet na, every year, wala na siya talaga.”

Sinabi rin ng aktres na ipinagdadasal niyang ang kanyang Mamita ang gawin ni Lord bilang guardian angel niya.

“Nagpe-pray ako kay God na sana ay siya na lang ang maging guardian angel ko. Kumbaga, parang siya iyong tumutok sa akin bilang guardian angel, huwag na siyang mag-assign ng iba, ‘yung lola ko na lang.”

111514 kc elaine

Ukol naman sa kanila ni Paulo Avelino, ano na ang lagay nila ngayon? “Kami ni Paulo, wala pang level. Kasi siyempre, ang bata pa niya at the same time ako rin naman. Pero kahit paano, I’m a couple of years older.

“Sabi ko, kung ready na ba akong magpakasal, ready na ba siya if ever na siya ba? Parang thought balloon lang na, huwag na lang kayang lagyan ng level kasi kaysa masira ito dahil may expectation. Ano na lang, let time tell na lang, hindi ba?”

Mapapanood sina KC at Paulo sa huling kuwento ng Give Love on Christmas ng ABS CBN na pinamagatang Exchange Gift na magsisimula sa Enero 5.

Bibigyang-buhay nila rito ang mga karakter nina Anna at Christian, ang mag-asawang paghihiwalayin ng hindi pagkakaunawaan at iba’t ibang pagsubok. Ngunit sa kabila ng kanilang mga problema, mapipilitan ang dalawa na magpanggap na masaya para sa kapakanan ng kanilang kaisa-isang anak.

Sa ilalim ng direksyon ni Manny Palo, mapapanood ang Exchange Gift bago mag-It’s Showtime sa Prime-Tanghali ng ABS-CBN.Tampok din dito sina Melai Cantiveros, Jason Francisco, Miguel Vergara, Cheska Iñigo, Loren Burgos, at Jim Paredes.

ATAK ARAÑA, PROUD SA PAGIGING ‘BABY’ NI DIREK WENN V. DERAMAS

HAPPY ang versatile na comedian na si Atak Araña sa pagiging bahagi niya ng pelikulang Praybeyt Benjamin-2 na pinagbibidahan ni Vice Ganda at isa sa entry sa 2014 MMFF. Ika-siyam na pelikula na ito ni Atak at proud siya sa tiwalang ibinibigay sa kanya ni Direk Wenn V. Deramas dahil lahat ng pelikulang ginawa niya ay ang box office direktor ang namahala.

“Oo lahat ng nine movies ko ay si Direk Wenn ang nag-direk,” nakangiting saad ni Atak. “Pati sa TV, like yung Flordelisa, kasali ako roon at si Direk Wenn din ang nagdidirek nito,” dagdag pa niya ukol sa TV series na pagbibidahan nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin sa ABS CBN.

So, kung may Regal Baby, ikaw ay puwedeng tawaging Wenn Deramas Baby?

“Oo, puwede siguro. Kasi, kumbaga si Direk yung Captain ko, siya nagpapatakbo sa ano ko. Si Direk Wenn kasi, alam niya kung saan ako ipapasok na projects, kaya may tiwala ako sa kanya. Kumbaga, parang anak na niya talaga ako. Isa siya sa pinaka-close ko sa showbiz at itinuturing kong true friend.

“Mino-mold niya talaga ako at saka hindi ako nagmamadali.”

Ukol naman sa Praybeyt Benjamin-2, sinabi ni Atak na sobrang saya nila habang nagsu-shooting. “Natutuwa ako sa exposure ko sa movie na ito. Magkakasama kami nina Alex Gonzaga na parang boy ako sa bahay ni Richard Yap.

“Riot talaga itong movie, ang saya-saya habang ginagawa. Talagang on the spot, nagtutulungan sina Direk at Vice, nareretoke nila yung script, kasama rin kaming mga artists para sa ikagaganda ng script.

“Kaya hindi dapat palagpasin talaga itong Praybeyt Benjamin-2,” saad pa ni Atak.

 

ni Nonie V. Nicasio

About hataw tabloid

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *