Andi, ‘di naniniwalang kontra sina Jaclyn at Gabby kay Brent

ni Roldan Castro

120614 bret andi

BAGAMAT hindi maganda ang impression ng pamilya ni Andi Eigenmann sa bagong nali-link sa kanya na si Brent , hindi siya naniniwala na kontra ang mga ito especially sinaJaclyn Jose at Gabby Eigenmann.

“I don’t think my brother ever said anything like that, but I hear my mom did. Hindi pa po niya nakikilala si Brent and so, kung anuman ‘yung judgment niya on him, kailangan po namin na irespeto pero hindi po ako nag-a-agree,” deklara niya nang hingin ang kanyang reaction sa presscon ng Tragic Theater.

Anyway, mariin niyang sinabi na naka-move-on na siya sa kanyang ex-boyfriend na si JakeEjercito. Magiging masaya raw siya sa 2015 kahit single pa.

Tsuk!