Sawa mula sa ‘White House’ nambulabog sa Camp Crame

122714 white houseBINULABOG ng isang sawa ang Camp Crame kahapon.

Dakong 4:30 a.m. nang makita ng isang pulis ang sawa sa puno ng mangga malapit sa tinatawag na ‘White House’ sa loob ng kampo.

Tinatayang may habang limang talampakan at may ga-brasong taba ang nasa 15 kilong bigat na sawa.

Mabilis na nahuli ang sawa gamit ang manlifter para maiakyat sa puno ang taong kukuha ng ahas.

Nakatakdang i-turnover sa DENR-Parks and Wildlife Center ang sawa.

Ipinapalagay na nagutom ang ahas kaya lumabas sa posibleng pinagtataguan.