Monday , May 20 2024

Ama naglaslas ng leeg sa selda (Hostage taker ng anak)

112514 crime sceneMISTULANG sinentensyahan ng isang adik na ama ang kanyang sarili nang laslasin ng basag na bote ang kanyang leeg nang maaresto makaraan i-hostage ang anak kahapon ng hapon sa Caloocan City.

Hindi na umabot nang buhay sa Caloocan City Medical Center ang biktimang si Even Zel Rubinas, 43, residente ng 1038 Interior 7, A. Mabini St., Brgy. 36 ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong 1:45 p.m. nang maganap ang insidente sa loob ng detention cell ng Caloocan  City Police makaraan maaresto sa pag-hostage sa 10-anyos niyang anak na lalaki sa kanilang bahay dakong 11 a.m. habang armado ng basag na bote ngunit napasuko nang nagresponde ang mga tauhan ng Special Weapons and Tactic (SWAT) team.

Pero habang nasa loob ng selda, nakadampot ng bote ng patis ang biktima, binasag ito at nilaslas ang kanyang leeg.

Nabatid sa misis ni Rubinas, bago ang insidente, limang araw nang gumagamit ng shabu at hindi kumakain ang kanyang mister.

Rommel Sales

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Gunrunner nasakote sa submachine gun

DINAKIP ng mga operatiba ng  Quezon City Police District (QCPD) ang isang gunrunner makaraang makompiskahan …

Groundbreaking ng Level III regional hospital hudyat ng pag-asa para sa Lagunenses

Groundbreaking ng Level III regional hospital hudyat ng pag-asa para sa Lagunenses

PARA higit na makapagbigay ng kalidad na serbisyong medikal sa mga Lagunenses, sinimulan nang itayo …

DANIEL FERNANDO Bulacan

 Fernando determinadong tuparin ang pangako sa bawas trapiko at ligtas na komunidad

Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang trapiko …

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office ang isang …

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang ginang na sakay ng tricycle matapos holdapin at barilin ng mga lalaking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *