3 adik, tulak timbog sa Marikina

120614 shabu prisonHAWAK-REHAS sa araw ng Pasko ang isang pusher at tatlong adik makaraan maaresto sa inilatag na buy bust-operation ng pulisya sa Marikina City kamakalawa.

Kinilala ni Senior Supt. Vincent Calanoga, hepe ng Marikina City Police, ang mga nadakip na sina Wilfredo No-cum alyas Willie, 54, sinasabing tulak, at nakatira sa 39 Paod St., Homeownerโ€™s Drive, Marikina; Jennifer Santos, 26, ng 131 Brgy. Malanday; Danjil Roxas, 31, at Silvestrer Laure, 22, kapwa nakatira sa Sitio Labangan, Antipolo City.

Ayon sa pulisya, naaresto ang mga suspek dakong 9:20 p.m. kamakalawa nang salakayin ng mga tauhan ng Marikina PNP ang bahay ni Nocum na kilalang tulak sa lugar, makaaraan ang isang buwan surveillance sa 39 Paod St., Homeownerโ€™s Drive Extension, Brgy. Sto. Niรฑo ng lungsod.

Ed Moreno