Thursday , June 4 2026

Mangingisda tigok sa nalunok na isda

112514 deadNORTH COTABATO – Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang magsasaka nang malunok ang nahuling isda sa lungsod ng Kidapawan kamakalawa.

Kinilala ang biktima sa alyas na Colin, 40, may asawa at residente ng Purok 2, Brgy. Amas, Kidapawan City.

Ayon kay Brgy. Amas Chairman Alexander Austria, nanghuli ng isda ang biktima at ang kanyang mga kapitbahay gamit ang koryente sa Mateo River.

Nakahuli ng maraming isdang puyo ang grupo ni Colin mula sa ilog ng Brgy. Amas.

Nang pauwi na ang magbabarkada, nagbiro ang biktima at isinubo ang isang isda ngunit bigla itong nagpumiglas at pumasok sa bibig ng magsasaka.

Halos hindi makahinga ang biktima sa bumarang isdang puyo sa kanyang lalamunan.

Dinala siya ng kanyang mga kaibigan sa Cotabato Provincial Hospital ngunit hindi na umabot nang buhay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …