Wednesday , December 1 2021

17-anyos dalagita 5 taon parausan ng stepdad

111114 rapeSWAK sa kulungan ang isang 62-anyos lalaki makaraan limang taon gahasain ang 17-anyos dalagitang anak ng kanyang kinakasama sa Valenzuela City.

Kinilala ang suspek na si Rolando Ibañez, ng K-Grande St., Brgy. Ugong ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat ni PO2 Ma. Luisa Cassandra Pabadora, ng Women and Children Protection Desk, nagtungo sa kanilang tanggapan ang biktimang itinago sa pangalang Mia, kasama ang ina at pinsan upang magsampa ng reklamo laban sa suspek.

Salaysay ng biktima, mula pa noong 2009 at nakatira pa sila sa Brgy. Gen. T. de Leon , nang simulan siyang gawing parausan ng amain na tumagal ng limang taon.

Ayon sa dalagita, palagi siyang tinatakot ng suspek na papatayin silang mag-ina kapag nagsumbong sa kanyang nanay kaugnay sa insidente.

Ngunit nagawang ipagtapat ng biktima sa kanyang pinsan ang ginagawa ng amain.

Bunsod nito, ipinaalam ng pinsan sa ina ng biktima ang insidente na nagresulta sa pagharap nila ng reklamo sa himpilan ng pulisya.

Pansamantalang nasa pangangalaga Social Welfare Department (SWD) ng lungsod ang dalagita para sa psychological counseling.

Rommel Sales

About hataw tabloid

Check Also

Hataw Frontpage Bong Go umatras sa 2022 prexy race

Bong Go umatras sa 2022 prexy race

ni ROSE NOVENARIO             TINULDUKAN ni Sen. Christopher “Bong” Go ang kanyang ambisyong maluklok bilang susunod …

Sa Bulacan
MOTORNAPPER, 4 PUGANTE TIMBOG SA POLICE OPS

INARESTO ng mga awtoridad ang isang kawatan ng motorsiklo at apat na pugante sa magkakahiwalay …

Daniel Fernando Covid-19 Vaccine Bulacan

100K Bulakenyo target bakunahan
3-ARAW NATIONAL COVID-19 VACCINATION DAY SINIMULAN

SINIMULAN ng lalawigan ng Bulacan ang pagbabakuna sa mga Bulakenyo sa lahat ng sektor sa …

3 tulak tiklo sa droga (Sa Pasig) Edwin Moreno

Sa Pasig
3 TULAK TIKLO SA DROGA

NASAKOTE ng mga awtoridad ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy …

Mary Mitzi Mitch Cajayon-Uy

Cajayon-Uy:
OMBUDSMAN, KAILANGANG REPORMAHIN

KASUNOD ng pagpapawalang-sala sa kanya ng Sandiganbayan sa mga kasong graft at malversation noong 12 …

Leave a Reply