Wednesday , November 13 2024

Ganda ng katawan ni Jen, pinagnanasaan ni Derek?

120814 jen derek“PROUD na proud nga ako na ito ang first pelikula ko na hindi ako naghubad ng T-shirt,” pagmamalaki ni Derek Ramsay sa filmfest entry niya na English Only, Please.

Si Jennylyn Mercado ang nabosohan niya ng kaseksihan dahil sa pagsusuot ng bathing suit.Hindi naman na raw nagulat si Derek sa kaseksihan ni Jen dahil alam nito na dedicated ito sa pagwo-workout at pagpapaganda ng katawan.

“Yung pagkabaliw niya na nagpupuyat, hindi matutulog tapos magte-training, kitang-kita naman talaga sa katawan niya.Kaya you can see that she’s really in shape. Laging tumatakbo ng alas-kuwatro ng umaga galing taping, nagba-bike, nagpi-pilates, kung ano-ano ang ginagawa nito, talo pa ako eh,” bulalas ni Derek sa katambal.

“Noong nakita ko siyang naka-swimsuit sabi ko, ‘hindi talaga ito nambobola, ginagawa niya talaga ang training niya,’” aniya pa.

“Hot! Hot, hot, hot,” pagsasalarawan pa ni Derek kay Jen.

Gabby Lopez, kauna-unahang Tanglaw ng Araw awardee

PINARANGALAN ang chairman ng ABS-CBN na si Eugenio “Gabby” Lopez III ng kauna-unahang Tanglaw ng Araw award sa 9th Araw Values Awards kamakailan dahil sa pagiging magandang ehemplo at tagapagtaguyod ng Filipino values o kagandahang asal. Nanalo rin ng lima pang awards ang Kapamilya Network.

Mahigit isang dekada ng tahanan ng Araw Values Adveristing Awards ang ABS-CBN. “Ang ABS-CBN talaga ang nararapat na parangalan. Nang magsimula ang Araw Values Awards noong 2000, lubos na ang aming suporta rito dahil naniniwala rin ang Kapamilya Network sa vision-mision nito na ipalaganap ang kahalagahan ng Filipino values,” saad ni Lopez sa kanyang acceptance speech noong awarding ceremony na ginanap sa Dolphy Theater.

Bukod sa natanggap na pagkilala ni Lopez mula sa nasabing award-giving body, nagkamit din ng limang awards ang ABS-CBN—dalawang Bronze at tatlong Silver na ang apat ay mula sa Advocacy Communications at isa sa Branded Communications.

Nakakuha ng Silver at Bronze ang TV Commercial ng ABS-CBN News na Tumayo Para sa Bayan sa ilalim ng mga kategoryang Respect for Laws and Authority and Promotion of Self Discipline at Love of Country and Respect for National Customs. Nakakuha naman ng Silver ang Agosto 21 Documentary: Salamin, habang nakapag-uwi ng Bronze ang kampanyang Buong Puwersa, Buong Bayan sa kategoryang Commitment to Truth, Honesty and Integrity.

Nagwagi ng Silver award ang Tulong Na, Tabang Na, Tayo Na campaign ng ABS-CBN, na nailunsad matapos manalasa ang Bagyong Yolanda, sa kategoryang Love of Country and Respect for National Customs and Tradition.

Samantala, ibinahagi ng presidente at CEO ng ABS-CBN na si Charo-Santos Concio sa kanyang panimulang mensahe na ipinagmamalaki niya ang pagiging bahagi ng isang industriya na bagamat magkakalaban ay nagkakaisa pagdating sa mga makabuluhang gawain.

“Ang dami pang dapat gawin. Ang dami pang mga batang kailangang pakainin, mga ilog na dapat linisin, mga lugar na kailangan ayusin, mga taong may sakit na kailangan pagalingin, mga pamilyang kailangang pagtibayin at kurapsiyon na kailangan puksain. Nawa’y lagi tayong patnubayan ng Diyos sa paggamit ng creativity at ng power ng media na ipinagkaloob niya sa atin,” pahayag ni Santos-Concio.

Nagdagdag ng ningning sa awarding ceremony sina Tres Marias, Jovit Baldivino, Itchyworms, Radioactive Sago Project, Jett Pangan, Raymund Marasigan, Maxene Magalona, Boboy Garovillo, Chacha Cañete, Darlene ng The Voice Kids, Erik Santos, Maris Racal ng Pinoy Big Brother All-In, Nicole Asencio, Quest, Bassilyo with Crazymix, at KZ Tandingan sa pamamagitan ng paghahandog ng magagandang production number. Host ng nasabing awards night sina Xian Lim at Iza Calzado.

Ang Araw Values Advertising Awards ay naiiba kompara sa ibang recognition-giving bodies dahil sa pagpapahalaga nito sa values na hatid ng mga ad campaign, lalo na ang pitong Araw Cornerstone Values.

Roldan Castro

 

About hataw tabloid

Check Also

Evelyn Francia Nick Vera Perez

Evelyn Francia, NVP1World’s International Inspirational Wonder

PINATUNAYAN ni Evelyn O. Francia na hindi balakid ang edad para abutin ang pangarap.  Sa edad 67, …

Roselio Troy Balbacal

Part time actor-businessman Troy itutuloy pagtulong sa TUY, Batangas 

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging kagawad, tatakbo namang konsehal ng TUY, Batangas ang part time actor, …

Ivana Alawi Mona Alawi

Ivana Alawi nanggigil, napamura sa mga nanlait sa bunsong kapatid 

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang mapamura ng actress-vlogger na si Ivana Alawi sa sobrang galit sa mga basher …

Francine Diaz Malou de Guzman

Lola ni Francine nangangagat ‘pag naglalambing

RATED Rni Rommel Gonzales ANG lola niya ang dahilan ni Francine Diaz para tanggapin ang pelikulang Silay. Tulad …

Tessie Tomas

Tessie Tomas sinita batang aktor na laging hawak ang gadget sa taping

RATED Rni Rommel Gonzales MADALAS na tanong namin sa mga beterano o senior stars ay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *