Sunday , May 28 2023

Ate Vi, pinangunahan ang pagbubukas ng Ala Eh! Festival

073014 vilma santosAS expected, present na naman si Governor Vilma Santos, umaga pa lang, sa pagsisimula ng kanilang Ala Eh! Festival sa Batangas. Iyan ay sa kabila ng sinasabi sa kanya ng kanilang organizing committee na hindi naman siguro talaga kritikal na proyekto iyon at maaari na siyang mag-skip doon sa mga maaagang appearance dahil kaya na naman nila iyon. Alam naman nila kasi na kagagaling lang sa sakit ni Ate Vi. Pero ang gobernadora, sige pa rin dahil sinasabi niyang katungkulan niya iyon.

Kung minsan naman iyan ang problema ni Ate Vi eh. Talagang ganyan siya kahit na noong araw. Natatandaan namin, may mga pagkakataong sinabihan siya noon na huwag na siyang mag-opening number sa kanyang show dahil masama ang kanyang pakiramdam, pero siya ang nagpipilit na gawin iyon dahil alam niyang inaabangan iyon ng kanyang fans at ayaw niyang ma-disappoint sila.

Ganoon din naman ngayon. Ayaw niyang may ma-disappoint kung wala siya sa kanilang festival. Pero dapat isipin din muna niya ang kalusugan niya.

Ed de Leon

About hataw tabloid

Check Also

Valerie Concepcion Heather Fiona

Valerie nasaktan nang hanapin ni Fiona ang ama

RATED Rni Rommel Gonzales DALAGA pa lang noon si Valerie Concepcion ay naging ka-close na namin kaya …

David Licauco Barbie Forteza

David at Barbie ibinunyag sikreto pagpunta sa isang malamig na lugar 

ITO na ‘yung sikreto na binanggit sa amin dati pa nina David Licauco at Barbie Forteza tungkol sa tanong …

Christian Bables Andrea Brillantes

Christian ok lang ma-typecast sa pagbabading

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHANGA-HANGA ang ibinigay na katwiran ni Christian Bables sa kung bakit patuloy …

Sean de Guzman Fall Guy

Sean de Guzman tuloy-tuloy sa paghataw ang career, sumabak na rin sa pagnenegosyo

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PATULOY ang magandang takbo ng showbiz career ng guwapitong si …

Blind Item, Men

Male star pinangatawanan pagiging callboy

TALAGANG pinangatawanan na nga ng isang male star ang kanyang pagsa-sideline sa mga bading. “Eh ano ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *