Thursday , June 4 2026

Pulis, tropa timbog sa pot session

080614 drugs shabu arrestHULI sa akto ang isang pulis at kanyang katropa habang nagsasagawa ng pot session sa loob ng isang bahay sa Malabon City kamakalawa ng umaga.

Nanganganib na mawalan ng mga benepisyo at masibak sa tungkulin ang suspek na kinilalang si PO3 Rommel Garcia, 39, residente ng Lot, B-12, Brgy. Tanza, Navotas City, miyembro ng Caloocan City Police, at ka-tropa niyang si Reynil Molina, alyas Bong, 47, ng Leoño St., Brgy. Tañong ng nasabing lungsod, kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Batay sa ulat ni Senior Insp. Timothy Aniway, hepe ng Malabon Police, Anti-Illegal Drug Special Operation Task Group (AID-SOTG), dakong  11:30 a.m. nang salakayin ng kanyang mga tauhan ang bahay ng suspek na si Molina sa Leoño St. ng nasabing barangay.

Nauna rito, nakatanggap ng tip ang mga awtoridad na may nagaganap na pot session sa lugar kaya agad ikinasa ang operasyon at naaktohan ang mga suspek habang humihithit ng shabu.

Nakompiska mula kay Garcia ang kanyang service firearm na isang 9.mm Pietro Berreta na may anim na bala.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …