Thursday , June 4 2026

3 lady inmates tiklo sa buy-bust sa Bulacan jail

022514 shabu prisonINARESTO ng mga awtoridad ang tatlong babaeng bilanggo sa Bulacan Provincial Jail sa Capitol Compound, Malolos City makaraan makompiskahan ng shabu sa buy-bust operation sa loob ng piitan kamakalawa ng gabi.

Ang mga naaresto na pawang nahaharap sa iba’t ibang kaso ng illegal drugs na kasalukuyang dinidinig sa Regional Trial Court ng lalawigang ito, ay kinilalang sina Teresa Martin, Edna Sampang, at Nenita Polintan, pawang mga residente ng Bulacan.

Ayon sa Malolos PNP, nakatanggap sila ng impormasyon na may nagaganp na bentahan ng shabu sa loob ng nasabing piitan.

Bunsod nito, nagpanggap na preso ang isang babaeng pulis at bumili ng shabu sa mga suspek na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.

Nakompiska mula sa mga suspek ang tatlong plastic sachet ng shabu, drug paraphernalia at P1,000 marked money.

Iniimbestigahan ng pulisya kung paano naipuslit sa kulungan ang illegal na droga gayong todo-bantay ang mga gwardiya ng BJMP.

Daisy Medina     

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …