Erap at Guy, panay ang bulungan sa isang event
ni Ambet Nabus
MABUTI pa sina dating Presidente Erap Estrada at Ate Guy (Nora Aunor) dahil kamakailan ay in good terms na uli sila bilang good friends.
Sa isang showbiz event nga na nagkita ang dalawa ay parang walang anumang trace of bitterness and hatred sa dalawa na umaming βbiktimaβ lamang daw ng mga circumstances sa politika noon.
βKuwentuhan sila ng kuwentuhan at panay pa ang bulong ni papa Erap kay Mama Guy,β tsika ng aming mga kausap.
βAt dahil very active si Mama Guy ngayon sa showbiz, huwag na tayong magtaka kung si papa Erap mismo ang magkumbinsi ritong magsosyo sila uli sa film production o paggawa ng movies na magaganda,β hirit pa nila.
Bongga βdi ba mareh?

