Monday , August 15 2022

Tupang Itim ni Mario Marcos, bagay sa gun enthusiasts

111914 Baby Go LJ reyes Mario Marcos

00 Alam mo na NonieMULA sa pagiging isa sa producer ng BG Productions kasama sina Ms. Baby Go at Romeo Lindain, si Mario Marcos ay sasabak na rin sa pag-arte sa pelikula via Tupang Itim.

Ang kanilang movie company ang isa sa pinakaabala nga-yon na nakikilala na sa paggawa ng quality indie films na laging may advocacy sa kanilang pelikula… kabilang sa mga nagawa o gagawin nilang pelikula ang Lihis, Lauriana, Bigkis, Homeless, Child House, Daluyong, at ang Tupang Ligaw nga.

Sinabi ni Mr. Mario ang vision ng BG Productions. “Ang mabigyan ng tsansa ang actors natin at iba pang taga-industriya na may talents na hindi pa nae-expose. Ang vision namin is to create jobs and opportunity at ipakita sa ibang bansa ang ga-ling ng mga Filipino. At kahit na indie, quality films naman.”

Si Mr. Mario ay may experience sa acting, siya’y sportsman din at businessman. Konektado rin siya sa agricultural trading sa Bicol at oil tra-ding sa Bahrain. Plano rin ni Mr. Mario na pumasok sa politika someday.

Makakasama niya sa Tupang Itim sina Emilio Garcia, Charee Pineda, at iba pa. Gaganap siya rito bilang isang magiting na Marines. Hard action daw ito na magpapakita ng kakaibang martial arts na tinatawag na Penjack. Makikita rin sa pelikula ang pagiging gun enthusiast niya.

“Mapapansin sa pelikulang ito ang gun safety awareness. Makikita rito iyong skills ko sa martial arts at baril. Kasi ako, nagko-compete talaga. So, ipa-pakita rito yung advocacy natin sa baril, para makita rin ng mga manonood iyon. Kasi, sa dami ng hindi nakaaalam, kaya nagkakaroon ng aksidente ang ibang tao na may baril.

“Bukod sa grupo namin na Philippine Practical Shooting Association at International Defensive Practical Shooting Association, sa tingin ko ang mga sundalo natin ay susuporta rin dito.      Dahil makikita sa movie ang image ng isang tapat na sundalo.”

ni Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Arrah Garcia

Arrah Garcia, type maging kontrabida sa pelikula

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG newbie actress na si Arrah Garcia ay kabilang sa …

Arnel Ignacio malacanan

Arnell itinalagang OWWA Administrator, pag-aartista ‘di iiwan

MA at PAni Rommel Placente BONGGA si Arnell Ignacio dahil may posisyon na ulit siya sa gobyerno, …

Valerie Concepcion Family

Anak ni Valerie 17 taon nang ‘di nakikita ang tunay na tatay

MA at PAni Rommel Placente WALANG problema at okey lang kay Valerie Concepcion kahit LDR (long distrance …

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Janine Gutierrez, Paulo Avelino

Rayver umamin nililigawan si Julie Anne

UMAMIN na ang Kapuso actor na si Rayver Cruz na nililigawan na niya ang Asia’s Limitless Star …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Baguhang male star naiskuran ni direk

ni Ed de Leon MATINO naman talaga nang pumasok sa showbusiness ang isang baguhang male star. …

Leave a Reply