7-anyos kritikal sa boga ng senglot

081014 dead gun crimeAgaw-buhay sa pagamutan ang isang 7-anyos batang lalaki makaraan barilin ng isang lasing sa Lucena City, Quezon kamakalawa.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nasa impluwensiya ng alak ang 40-anyos suspek nang biglang paputukan ang bata sa kanang dibdib.

Makaraan ang pang-yayari, agad tumakas ang suspek bitbit ang improvised air soft gun na ginamit sa krimen.

Patuloy na ginagamot ang biktima sa Quezon Medical Center habang pinaghahanap ng mga pulis ang suspek.