Thursday , June 4 2026

Leo Martinez, gaganap bilang Gangster Lolo

ni Alex Brosas

111514 gangster lolo leo martinez

USONG-USO pa rin naman ang comedy at ang betaranong artistang si Leo Martinez ay bidang-bida sa Gangster Lolo as Asiong Salonpas kasama ang senior citizen criminals na sina Bembol Roco, Rez Cortez, Pen Medina, Soxie Topacio and Boy Alano.

Tiyak na nakaaaliw ang movie na ito dahil panay competent performers ang nasa cast, kumbaga, walang tapon sa mga actor dahil lahat sila magagaling.

Ang kuwento ng movie ay umiikot sa isang sindikato na engaged sa holdapan at nakawan. Nang looban nila ang isang jewelry shop ay nahuli ang lahat except for Boy Alano. Since si Boy ay pinagsususpetsahang itinago ang mga nanakaw nila, tinugis siya ng kanilang leader. Habang nakakulong pa ang ibang members ng gang ay nagawang ibigay ni Boy sa mga kasamahan niya ang mapa kung saan niya itinago ang kanilang ninakaw.

Nang makalaya ang grupo, namuhay sila sa isang tenement na nakatago ang mga ninakaw nila. Nagbago na rin sila at namuhay ng patas. Naging bayani pa sila dahil nasugpo nila ang mga kriminalidad sa kanilang lugar.

The movie directed by William Mayo also stars Isabel Granada as parole officer. It is produced by Randy and Marilou Nonato and Rylan Flores under Cosmic Raven Ventures Productions. Showing na ito sa November 19.

 

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …