Wednesday , June 24 2026

Marvin, kabado sa bedscene nila ni Jolina

110514 Jolina Magdangal Marvin Agustin

00 SHOWBIZ ms mHINDI itinanggi ni Marvin Agustin na kabado siya sa bed scene nila ni Jolina Magdangal na mapapanood sa Flordeliza ng ABS-CBN2.

First time kasing magkaroon ng bed scene nina Marvin at Jolina simula nang maging loveteam ang dalawa. ”Basta may scene sa kama, bed scene na ‘yun. Magkukuwentuhan lang kami roon.”

Tiniyak naman ni Marvin sa asawa ni Jolina na si Mark Escueta na inalagaan niya ang aktres sa naturang tagpo.

Napag-alaman naming fan pala si Mark ng loveteam nina Jolens at Marvin kaya excited din ito sa muling pagsasama ng dalawa.

Samantala, malapit nang mapanood sa ABS-CBN ang pinakabagong obra maestrang pantelebisyon, ang family drama series na Flordeliza na magtatampok sa loveteam nina Jolens at Marvin.s

Ang serye ay kuwento ng dalawang pamilya. Sesentro ito sa dalawang nanay at dalawang bata na pagbubuklurin ng pagmamahal at paglalayuin ng isang malungkot na katotohanan.

Bahagi rin ng Flordeliza cast sina Carlo Aquino, Elizabeth Oropesa, Tetchie Agbayani, at Juan Rodrigo. Ito ay ididirehe ni Wenn Deramas katulong si Tots Sanchez-Mariscal IV.

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …