MGA taga-ASAP ba ang tinutukoy ni Jed Madela na, “dealing with bunch of monkeys?”
Kaya namin ito naitanong ay dahil nakatanggap kami ng mensahe kahapon ng umaga mula sa concerned citizen at sinabing, “Jed Madela walang utang na loob sa ‘ASAP’.”
Ang nag-text sa amin ay hindi kasama sa programa, pero nasa studio siya ng ASAP noong linggo kaya alam niya ang takbo ng pangyayari.
Mensahe sa amin ng concerned citizen ay nag-post daw si Jed sa kanyang Facebook account ng, “Nothing’s changed. Same old sh**. I’ll just smile and imagine I’m dealing with a bunch of monkeys. =ØHÞ=ØIÞ=ØJÞ”
Nag-post si Jed bandang 10:31 ng umaga noong Linggo.
May nag-comment sa post ni Jed ng, “oh no, uminit na naman ulo mo Jed Madela.hahaha. Ignore those monkeys na lang.”
At sinagot naman ni Jed ng, “nakawawalang gana nga eh. Haaaayyy ganoon ang “welcome back” na walang kuwenta. Hahahahaha tawa na lang at gaguhan. Hahahaha.”
Tinanong namin si Jed tungkol dito at kung taga-ASAP nga ang tinutukoy niya sa post niya.
“Ang saya-saya nga po naming lahat sa ‘ASAP’ kahapon (Linggo) kasi after a month lang kami nagkita-kita kasi nag-out of the country kaming lahat.”
Binalikan namin ang nag-text sa amin na itinanggi ni Jed ang isyu, hindi raw taga-ASAP ang tinawag niyang ‘bunch of monkeys’.
“Ipinost niya ‘yun nasa ‘ASAP’ siya, rehearsal ‘yung time na ‘yun,” pahayag sa amin ng concerned citizen.
Buong kuwento ng concerned citizen na naka-witness, “sa band rehearsal kahapon (Linggo) before 12 noon, hinihingi ni Jed ‘yung lines ni Yeng (Constantino) na biglang umabsent kasi maysakit, so silang tatlo na lang nina Erik Santos at Angeline Quinto ang natira sa production number nila.
“Hindi pumayag ang taga-‘ASAP’ since ‘yun lang daw ang prod ni Angeline, samantalang sina Erik at Jed ay may 2nd prod pa na after Yolanda song. After that, lumabas na ‘yung post niyang, ‘dealing with bunch of monkeys again.
So, sino ang bunch of monkeys?”
Sangga naman ni Jed, “na-misinterpret po ‘yung post ko, I was referring po sa staff ng Cagayan De Oro airport kasi we’re on our way to Manila at lahat nagmamadali, hindi maayos ang check in nila, sobrang higpit na hindi mo maintindihan. Nataon po kasi na nai-post ko ‘yan, nasa studio na ako.”
HINDI PAGSALI SA BROADWAY PRODUCTION
“Ganoon, delayed reaction ang post niya sa nangyari sa airport?” katwiran sa amin.
Pinabulaanan din ni Jed na hinihingi niya ang linya ni Yeng, “’di po totoo ‘yun, sila (‘ASAP’) po nagdi-divide ng lines ng songs namin and we work around it.”
Katwiran pa ng concerned citizen, “problem with him, mahilig siyang dumaldal kung kani-kanino hindi naman niya mapanindigan. Ide-deny niya.”
May ibang isyu pang ikinuwento sa amin ang concerned citizen at narinig daw niyang sinabi ni Jed na ‘hahawiin’ daw niya sina Sarah Geronimo at Erik Santos sa production number nila noong August 24 episode ng ASAP.
“Sa Aug 24, ‘ASAP’ episode, mainit na ulo niya (Jed) kasi bakit ‘di raw siya isinali sa broadway production nina Tanya Manalang, Leo Valdez, Joana Ampil, Gary V, eh, world class naman daw siya. Reason daw ng taga ‘ASAP’, ‘parati kang isinasali sa broadway medley kaya pahinga ka na muna.’
“Ibang prod ang ibinigay sa kanya, ang album launch of ABS-CBN Philharmonic Orchestra with Sarah (Geronimo) and Erik (Santos), to sing ‘Hanggan’.
“Sa band rehearsal, hinihingi niya (Jed) na mag-solo sa last part kasi ‘di naman daw kayang kantahin nina Erik at Sarah at hindi pumayag ang taga-‘ASAP’ dahil dapat trio sila kaya dapat trio sa ending, then sabi niya (Jed), hahawiin niya lang daw sina Erik and Sarah sa production na ‘yun.”
Gulat na gulat ang premyadong singer, “I really don’t know where this issue came from. In ‘ASAP’, whatever prod is given to us, ‘yun po ang inaaral namin at ginagalingan para gumanda.
“For the longest time, people know me as a team player especially when we do prod numbers. We work together para gumanda ang prod and I would never steal the spotlight from anyone. Kung solo prod ‘yun, game! Pero kung group prod ‘yun, we perform as one.
“With regards sa prod numbers, we can request from the staff of ‘ASAP’ kung ano mga prod na gusto namin gawin at naibibigay naman minsan. I never demand for anything or any special treatment. Pantay-pantay kami lahat sa ‘ASAP’.
“’ASAP’ has lots of artists at mahirap ilagay lahat sa isang show. Bitin ang oras. Na-explain na sa amin at naintindihan naman namin ‘yun. ‘Di madali ang trabaho nila to give prods to everyone. Sana kung sino man ang gumagawa ng issue, tigilan na at ‘di nakabubuti sa working relationship namin ng ‘ASAP’ lalo na ‘pag may mga misunderstanding. It never happened, wala akong sinabing ganyan, and I would never such a thing.
AMINADONG MAS MAGALING SINA SARAH AT ERIK
“’Di hamak na mas magaling si Sarah sa akin! She is a total performer! And Erik is also an amazing singer, so it would never even cross my mind na isipin at sabihin na mas magaling ako.
“Sana ‘wag na lang ako gawan ng kuwento na ‘di naman totoo, nakasisira lang sa akin at sa relationship ko with ‘ASAP’. I love them like family.”
Sabi namin kay Jed na baka may kabiruan siya at iba ang dating sa nakarinig ng sinabi niyang hawiin.
“Kahit biruan po, I would never say that I am better that anyone else. That is just so wrong,” sangga kaagad ni Jed.
Ipinaliwanag namin sa concerned citizen ang paliwanag ni Jed, “parang hindi naman ganoon ate Reggee, kasi iba talaga ugali ni Jed, maraming nakaririnig sa mga reklamo niya sa ‘ASAP’.
“Sino ang tinutukoy niyang bunch of monkeys? Mga taga-‘ASAP’, ‘di ba? Kasi sila ‘yung kausap ni Jed.”
Anyway, okay na yata sina Jed at ASAP business unit head na si Ms Joyce Liquicia dahil nagka-usap na raw sila, ayon sa singer.
ni Reggee Bonoan
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com
