ni Alex Brosas
PINAGTATAWANAN ang fans ni Marian Rivera recently. Puring-puri kasi nila ang kanilang idol nang mayroong lumabas na article na nagsasabing mayroong gagawing soap ang dyowa ni Dingdong Dantes kasama ang Korean actor na si Hyun Bin.
Tuwang-tuwa ang Marian fans. Big deal sa kanila ang report na lumabas sa The Philippine Pride titled Marian Rivera to Star in Upcoming Korean Drama Alongside Hyun Bin. Paniwalang-paniwala sila lalo pa’t detalyado ang pagkakasulat ng artikulo.
Ang kuwento sa nasabing website, ang soap opera ay tungkol sa isang Pinay na na-in love sa isang Korean actor. Hango raw ang kuwento sa isang Wattpad story na gawa ng isang Pinoy.
Ang chika, si Lee Min Ho raw ang dapat na leading man ni Marian pero nagkaroon ng problema dahil sa edad at masyado raw busy ang Korean actor kaya si Hyun ang ipinalit.
Si Marian daw ang napili ng management kahit na nag-audition sina Maja Salvador, Anne Curtis, Kim Chui, and Angel Locsin.
Kaloka ang Marian fans, talagang naniwala sila sa Marian-Hyun project. Hindi nila alam na isang satire website lang ang The Philippine Pride at pawang walang katotohanan ang mga nasusulat dito.
Nagbunyi na kaagad ang fans ni Marian pagkabasa ng article. Ang akala nila ay talagang mayroong soap opera ang kanilang idol kasama ang sikat na Korean star.
Kasi naman, parang wala silang mga isip na lahat ng nasusulat about their idol ay kanilang pinaniniwalaan lalo pa’t international star ang makakasama ng aktres.