Thursday , June 4 2026

P18-B nagastos, recovery hanggang 5 taon pa (Sa sinalanta ng bagyong Yolanda)

082914  yolanda relief goods DSWDUMAABOT na sa P18 bil-yon ang nagagastos ng iba’t ibang sektor sa rehabilitas-yon sa mga sinalanta ng supertyphoon Yolanda, halos isang taon na makaraan itong tumama noong Nobyembre 8, 2013.

Ayon kay Assistant Secretary Victor Batac ng Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery (PARR), malaki ang naging tulong ng pribadong sektor lalo na ang non-governmental organizations (NGOs) sa mga sinalanta ng kalamidad.

Agad nilinaw ng tanggapan ni Secretary Panfilo “Ping” Lacson na ang P18 bilyon ay iniukol sa iba’t ibang mga lugar na tinamaan ng bagyo hindi lamang sa Region 8 kundi sa iba pang bahagi ng Visayas at Palawan.

Tinukoy ni Asec. Batac ang ginawang pag-aaral ng Asian Development Bank (ADB) na aabutin pa ng apat hanggang limang taon para makabalik sa normal ang kabuhayan ng mga kababayang naapektohan ng daluyong.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …