Jake, mas maingat na sa pagpili ng project dahil sa intโ€™l acting award

ni Ambet Nabus

103014 jake cuenca

 

NGAYONG mayroon ng international acting award na masasabi si Jake Cuenca, tiyak na mas magiging maingat na ito sa pagpili ng mga acting project.

Sa panalo ni Jake bilang Best Actor Feature sa katatapos na 2014 International Film Festival Manhattan, sa New York for his entry Mulat, napatunayan ni Jake na seryoso siyang aktor.

Kasalukuyan pa ring nasa New York si Jake dahil nag-aaral pa nga ito sa isang kilalang acting school doon, nang matiyempong ganapin ang seremonya noong October 23 sa Kalayaan Hall of the Philippine Consulate General sa New York. Naroon din ang direktor ng pelikulang kanyang pinagwagian, si Diane Ventura na nanalo ring Best Director for a global feature naman.

Well, siguro naman mareh ay na-prove na ngayon ni Jake na hindi siya ham actor at โ€˜yung nakuha niyang award as Best Supporting Actor dati ay patunay na may โ€œlamanโ€ siya bilang artist. HIndi rin natin siya mapipigil kung sobra man ang kanyang pride sa ngayon dahil sa Best Actor title lalo paโ€™t naibigay ito ng isang kinikilalang international group.