Thursday , June 4 2026

Killer ng ina ni Cherry Pie nagpasok ng guilty plea

NAGPASOK ng guilty plea ang pangunahing suspek sa pagpatay sa ina ng aktres na si Cherry Pie Picache.

Kinasuhan si Michael Flores, 29, ng robbery with homicide sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) kaugnay sa pagpatay at pagnanakaw sa biktimang si Zenaida Sison habang nag-iisa sa kanyang bahay sa Quezon City.

Sinampahan din siya sa Laguna trial court ng kasong trespass to dwelling dahil sa reklamo ng isang Lilibeth Lato, ang may-ari ng bahay sa Sta. Rosa City, kung saan naaresto si Flores.

Una rito, inamin ni Flores na mag-isa niyang isinagawa ang krimen sa 75-anyos biktima noong Setyembre 19 o kasagsagan ng bagyong Mario.

Pagnanakaw ang motibo sa krimen dahil nawawala ang P500,000 halaga ng cash at alahas sa bahay.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …