Thursday , June 4 2026

Solenn, ayaw makialam sa problema ni Derek

PRANGKA at diretsong magsalita si Solenn Heusaff kaya naman ayaw niyang makialam sa usapin ni Derek Ramsay sa sa ex-wife nito gayundin kay Angelica Panganiban.

“Huwag ninyo naman pong ipasagot sa akin ang kasalanan ng iba,” ang bahagi ng simpleng pakiusap nito nang kunan din siya ng pahayag sa isyu ng dating live-in partner.

Kahit pa nga sinampahan din ng kaso ang aktres ng dating asawa ni Derek, nakiusap itong ipaubaya na lang sa kanyang management ang pagharap dito. “Hindi po ako allowed na magsalita kaya sana po ay maunawaan ninyo,” hirit pa ng isa sa mga bida ng Beauty in A Botlle.

Sa presscon, inamin din ni Angelica na kuntento at masaya na siya sa buhay pag-ibig at mas pinagtutuunan niya ng pansin ang ‘future’ kaysa balikan ang mga pangit na alaala.

Kumbaga sa pelikula, mas nanaisin niyang ilagay sa botelya ang magagandang karanasan at memories dahil eventually daw ay ‘yun ang magde-define ng kanyang pagkatao.

Pagkakikay ni Angeline, nagustuhan ni Nanette
KUNG si Angelica Panganiban ay isyu ng katabaan ang ginawang puhunan para sa movie, ang pagiging “hindi masyadong maganda” naman ang peg ni Angeline Quinto.

“Ikaw ba naman ang bigyan ng role sa movie bilang kapatid ng beauty queen na si Bianca Manalo, hindi ka ba maloloka? Pero talbog sila dahil kahit sa movie man lang ay ma-experience kong jowa ako ni Tom Rodriguez,” pabaklang tsika ni Angeline na gustong-gusto ni Nanette Inventor dahil sa pagka-kikay at natural-comedienne.

“Riot po ang movie kasi nagagawa naming light ang usapin sa pagiging pangit,” na isa na marahil sa biggest insecurities ng isang tao, lalo na ng babae.

Pagka-astig at cool ni Kylie, nagustuhan ni Rayver
“AYOKO pong i-hype ang mga ganyan kasi baka sabihin pa nilang pinipilit natin,” depensa ni Rayver Cruz sa isyung pagkakamabutihan nila ng leading lady niyang si Kylie Padilla sa Dilim movie.

Hayaan na muna raw nilang maipalabas ang pelikula on October 22, bago nila ituloy ang mga plano nilang ‘bonding moments’ to get to know each other well.

Inamin ni Rayver na sa lahat ng mga babaeng nakilala niya mula sa bakuran ng GMA 7, kay Kylie niya nakita at naramdaman ‘yung pagiging isang ‘chill, cool, at komportable.’

“Astig pa siya ha, Magpapaturo nga ako ng Muay Thai sa kanya. Masaya at masarap siyang kasama. Hindi siya mahirap magustuhan kasi nga, napakadaling pakisamahan at sobra pang ganda,” pahayag pa ng bidang aktor ng Dilim na handog ng Regal Entertainment mula sa direksiyon ni Jose Javier Reyes.

Gaya ni Rayver, hopeful din si Kylie na maging ‘closer’ pa sila ng aktor kahit maipalabas na ang movie. Ayaw ding makisakay ng dalaga ni Robin sa “link-link” isyu kasi naniniwala silang maganda ang mga katatakutan sa Dilim, na early Halloween treat ng Regal sa mga manonood.

Ambet Nabus

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …