Wednesday , June 24 2026

Megan, mas bumongga ang beauty

ni Ambet Nabus

101514 megan young

REYNANG-REYNA talaga ng kagandahan ang peg ni Miss World Megan Young nang rumampa ito at magbukas ng Miss World-Philippines pageant last Sunday.

Mas bumongga ang beauty ni Megan at punumpuno ito ng confidence while doing her walk and saying her opening spiels. Kinilig din kami sa mga simpleng ngitian at titigan nila ni Mikael Daez, who was the main host that night, partner ni Janine Gutierrez.

In fairness, parehong marunong mag-host sina Mikael at Janine (mga Atenista ba naman, kaya’t twang kung twang sa emote!), only that Mikael tended to move everytime na nagsasalita siya. Para tuloy siyang nagsasayaw with matching galaw ng mga balikat. Si Janine naman ay may moment na tama ang energy at may time na parang nauuhaw na at nagugutom hahaha!

Sina Tim Yap at Gwendolyn Ruais ang another set of hosts that night. As usual, wala namang bago sa “malat-mode voice” ni Tim na effort an effort sa pagsasalita, habang si Gwen naman ay mas lalo pa yatang nagkaroon ng “English Tongue.”

Pero dahil lagi namang pinag-uusapan ang mga beauty contest na kagaya ng Miss World, normal ding nag-trending ito last Sunday.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …