Monday , January 24 2022

Alden, wish makapag-host ng Binibining Pilipinas at Ms World Philippines

ni John Fontanilla

101414 alden richards

ANG estilo raw ng pagho-host ng American Idol host na si Ryan Seacrest ang gustong gayahin ni Alden Richads.

“Siguro ang peg ko pagdating sa pagho-host si Ryan Seacrest kasi magaling siya pero siyempre iba pa rin si Ryan at iba pa rin ako.

“Siguro ginagawa ko siyang guide kung paano maging mahusay na host, pero mas gusto ko na magkaroon din ako ng sarili kong estilo ng pagho-host.

“Para lang kasing acting ‘yan, kung ano ‘yung naramdaman mo ‘yun ang ibigay mo, at ‘pag nagawa mo ‘yun ng maganda puwede ka na ha ha ha.

“Si Ryan iba ‘yung galing niya, hindi niya inaarte natural na natural lang kaya nga bukod sa akin marami ang umiidolo sa kanya.”

Gusto rin daw ni Alden na makapag-host ng isang malaking beauty pageant. “Sana! kasi dream ko kasi na makapag-host ng Binibining Pilipinas at Ms. World Philippines.

“Ibang angle na naman ‘yan, mas professional hosting ang requirements, hopefully bigyan ako ng chance. Tingin ko naman baka puwede na,” pagtatapos ni Alden.

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Kevin Santos wife

Kevin ikinasal na sa non-showbiz GF

REALITY BITESni Dominic Rea KILALA niyo ba si Kevin Santos o Kayvin Acupicup Santos sa totoong buhay na produkto …

Julie Anne San Jose Rayver Cruz

Pagli-link kina Rayver at Julie Anne sablay

REALITY BITESni Dominic Rea MUKHANG hindi umobra ang pagli-link kina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose. After …

Bryan Termulo

Bryan Termulo tour guide sa Amerika Pagkanta hinahanap-hanap

MATABILni John Fontanilla MISS na ni Bryan Termulo ang local showbiz ngayong nasa Amerika siya at doon …

Aileen Papin DoLE TUPAD

Aileen kinokondina maruming pamomolitika sa TUPAD

HARD TALKni Pilar Mateo ISA pang Papin, na tumatakbo naman sa ikatlong Distrito ng CamSur …

Heart Evangelista Nadine Lustre

Heart at Nadine kakampinks

I-FLEXni Jun Nardo INILABAS na nina Heart Evangelista at Nadine Lustre ang totoong kulay nila sa darating na eleksiyon …

Leave a Reply