Monday , January 24 2022

Aktres, wala pang napatutunayan, choosy na sa project

00 blind item

00 fact sheet reggeeHINDI na kami magtataka kung lilipat sa ibang TV network ang kilalang aktres dahil hindi siya nabibigyan ng magandang project sa network kung saan naka-kontrata siya.

Hindi naman itinanggi ng kilalang aktres na may mga offer siya, pero hindi naman daw maganda ito para sa imahe niya na parang napipilitan na lang daw siyang bigyan ng project na pawang supporting dahil nga naka-kontrata siya.

Sa madaling salita ay tinanggihan ng kilalang aktres ang mga offer bagay na ikinainit ng ulo sa kanya ng executives ng network.

Kaya ang ending, waley project si kilalang aktres at hinala namin na pinapa-expire na lang ng network ang kontrata niya at pakakawalan na siya.

Hmm, hindi kaya masyado namang choosy si kilalang aktres sa mga project niya? Dapat hindi lalo’t maraming baguhan ngayon na anytime ay puwedeng pumalit sa trono niya.

Ano ba, wala pang napapatunayan, choosy na? Dapat sunggap ng sunggap lang basta trabaho at okay ang bayad, keri na.

ni Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Check Also

Kevin Santos wife

Kevin ikinasal na sa non-showbiz GF

REALITY BITESni Dominic Rea KILALA niyo ba si Kevin Santos o Kayvin Acupicup Santos sa totoong buhay na produkto …

Julie Anne San Jose Rayver Cruz

Pagli-link kina Rayver at Julie Anne sablay

REALITY BITESni Dominic Rea MUKHANG hindi umobra ang pagli-link kina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose. After …

Bryan Termulo

Bryan Termulo tour guide sa Amerika Pagkanta hinahanap-hanap

MATABILni John Fontanilla MISS na ni Bryan Termulo ang local showbiz ngayong nasa Amerika siya at doon …

Aileen Papin DoLE TUPAD

Aileen kinokondina maruming pamomolitika sa TUPAD

HARD TALKni Pilar Mateo ISA pang Papin, na tumatakbo naman sa ikatlong Distrito ng CamSur …

Heart Evangelista Nadine Lustre

Heart at Nadine kakampinks

I-FLEXni Jun Nardo INILABAS na nina Heart Evangelista at Nadine Lustre ang totoong kulay nila sa darating na eleksiyon …

Leave a Reply