Thursday , January 20 2022

P7.1-M budget sa Indonesian trip ni PNoy

091514  money pnoy

NAGLAAN ang Palasyo ng P7.1 milyon para sa isang araw na partisipasyon ni Pangulong Benigno Aquino III sa 7th Bali Democracy Forum.

Ang naturang halaga ay para pantustos sa transportasyon, accommodation, pagkain, equipment at iba pang gastusin ng Pangulo at ng kanyang 47-member delegation na umalis kahapon patungong Bali, Indonesia.

Si Pangulong Aquino ang co-chairman ng 7th Bali Democracy Forum na may temang “Evolving Regional Democratic Architecture: The Challenges of Political Development, Public Participation and Socio-Economic Progress in the 21st Century,” na inaasahang dadaluhan ng world leaders.

Ibabahagi ng Punong Ehekutibo ang mayamang karanasan ng Filipinas sa pagkamit ng demokrasya at bilang anak ng democracy icons na sina dating Sen. Ninoy Aquino at dating Pangulong Cory Aquino, ang Pangulo ay magsisilbing inspirasyon sa mga lider ng iba’t ibang bansa na makahahalubilo niya, ayon kay Executive Secretary PaquitoOchoa.

“Pagkakalooban si Pangulong Aquino ni Indonesian President Susilo Bambang Yudhoyano ng “Bintang Republik Indonesia Adiourna o Star of the Republic of Indonesia, ang pinakamataas na parangal ng Jakarta government sa isang indibidwal na nag-ambag ng kakaibang serbisyo para sa “integrity, viability and greatness of Indonesia,” ani Ochoa.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

P2.26-B NGP fund gamitin sa trabaho ng mga sinalanta ng bagyong Odette

“ANG bultong pondong P2.26 bilyon para sa reforestation ay dapat mapunta sa mga lugar na …

Presyo ng swab tests pahirap sa mahirap

“ANG presyo ng CoVid-19 swab test ay hindi nakaukit sa bato, at ang mga panuntunan …

Sa maigting na anti-illegal gambling ops
55 SUGAROL NASAKOTE NG QCPD

UMABOT sa 55 katao ang naaresto ng mga awtoridad sa patuloy na anti-illegal gambling operations …

Gun Fire

Bagger binaril

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang bagger makaraang barilin ng hindi kilalang suspek habang …

12-anyos stepdaughter ginawang sex slave
MANYAK NA DRIVER ARESTADO

BAKAL na rehas ang hinihimas ng isang manyakis na driver matapos maglakas-loob ang 12-anyos dalagita …

Leave a Reply