ni Roldan Castro
TRAILER pa ng The Trial nangangamoy best actor na si John Lloyd Cruz. Posibleng humakot siya ng award next year dahil sa kakaibang atake niya sa pagiging mentally challenged na 27-anyos na lalaki na inakusahan sa salang paggagahasa sa kanyang grade school teacher.
Naku, dapat kabahan si Piolo Pascual sa magaling niyang performance sa Starting Over Again dahil mahigpit silang maglalaban ni Lloydie.
Idagdag pa si Robert Arevalo sa Hari ng Tondo at kung sino pa ang mga lilitaw na magaling sa darating naMetro Manila Film Festival.
Anyway, magsisimula ang The Trial sa lahat ng mga mainstream na sinehan sa October 15. Ito ang latest offering ng Star Cinema para sa kanilang 20th anniversary. Kasama ng Home Sweetie Home actor na si John Lloyd sina Richard Gomez, Gretchen Barretto, Jessy Mendiola, at Enrique Gil.
‘Yun na!