Thursday , June 4 2026

Mayor Edwin Olivarez nag-react sa club cum putahan sa kanyang lungsod

00 rex target logo

NAG-REACT kapagdaka si Parañaque City Ma-yor Edwin Olivarez patungkol sa ating kolum nitong nagdaang Miyerkoles na inisa-isa natin ang mga night clubs at fun establishments sa kanyang lungsod na prente ng prostitusyon.

Kapagdakang ipinag-utos ni Mayor ELO sa kanyang mga pulis ang tight surveillance laban sa mga establisimiyentong AIR FORCE 1, LIBERTY, LA LA LAND, DYNASTY REAL at ang gay prosti-bar na WHITE BIRD Disco.

Pinaiimbestigahan din ni Mayor Olivarez ang mga bali-balitang ilang opisyales ng Parañaque PNP ang direktang tumatanggap ng ‘payola’ mula sa mga bahay-aliwang ito na front ng prostitus-yon.

Take note Kernel Ariel Andrade!

Maliban sa Airforce 1 spa-col nasa Sucat road, lahat ng mga clubs na ating inupakan ay pawang nasa Service Road, Roxas Boulevard, Baclaran, ilang metro lamang ang layo sa pa-mosong National Shrine of Our Lady of Perpetual Help na regular na dinarayo ng libo-libong debotong Katoliko tuwing araw ng Miyerkoles.

Dalawang mag-jowa na nagpapakilalang taga-media na may alyas na DOUBLE J “MANILA BLLTN” J. WALANG KATAPUSAN Y A-KINSE-A-TRENTA naman ang tumatayong ‘patong’ sa LIBERTY at LA LA LAND na iniulat na tunay na pag-aari ng isang Yakuza gang member.

Samantala, hindi naman umano natinag ang mga pulis sa Pasay city sa ating expose’ makaraang ipagkibit-balikat lamang ng pamunuan ni Pasay Police Chief Colonel Batman Reyes ang isyu patungkol sa mga club cum putahan sa siyudad.

Tuloy pa rin ang malayang hubaran, gimik at kalaswaan sa VOCANO DISCO sa TAFT Avenue-Libertad na halos kaharap lamang ng Pasay City Police PCP4, ang SOLUTION DISCO na isang gay bar sa Arnaiz Avenue, RICHMAN Club & KTV sa kahabaan naman ng FB HARRISON, Club CZAR BACHELOR MANSION sa Roxas Blvd., na pinamamahalaan ng tandem na bugaw na sina MANNY at MARINO at ng isang General NEL YATBU.

Ang notorious sex-trafficking EDSA Entertainment Complex na naroon ang SAMBA, SHARA ZAD,BULET, ARROW at CASINO BAR na karamihan ay pag-aari ng Australian national na si alias Vince Lumbrado.

Bold show at gimik din ang opisyo ng disco cum putahan niTONY ‘KALKAL’ Soncal na LION 777 sa EDSA Philtranco.

Garapal at Malaya rin ang spakol at sex service sa BUENDIA LAPU-LAPU Health Spa sa Gil Puyat Avenue corner Leveriza na pinamamahalaan ng bugaw na si Beth.

Lahat ng ito, patong at tumatanggap umano ng payola ang iba pang units ng PNP at NBI. Pa-ging NBI Director Virgilio Mendez sir, ang ANTHRAD ang iningungusong dibisyon diyan sa bureau ang contact umano ng mga clubs/gay bar /sauna operators na ito sir!

Ganoon din ang ating panawagan sa ating idol na si NCRPO Director, General Carmelo Valmoria sir!

Kung sino-sino pong mga nagpapakilalang bagman ng NCRPO ang regular na umiikot sa mga establisimiyentong ito para kumubra ng intelihensiya. Panahon na upang tanggalan ng maskara ang mga pulis cum kolektor ng payola.

Makinig sa DWAD 1098 khz am TARGET ON AIR Monday – Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

 

Rex Cayanong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …