TULUYAN nang ipinasara ni Manila City Hall Assistance and…
TULUYAN nang ipinasara ni Manila City Hall Assistance and Special Assignment (MASA) chief, C/Insp. Bernabe A. Irinco kasama ang kanyang chief of staff, Insp. James De Pedro at mga tauhan, ang tinaguriang perya-sugalan na itinayo sa Paraiso ng Batang Maynila sa tapat ng Manila Zoo at malapit sa isang simbahan sa Adriatico St., Malate, Maynila na bukod sa walang permit ay ilegal na naka-tap ang koryente sa mga lamp post ng city hall. Ang nasabing perya-sugalan ay ilang beses pinuna at ipinanawagan na isara sa kolum na Bulabugin sa pahayagang ito. (BONG SON)

