3 paslit nalitson sa Caloocan fire

092514 fire dead

PATAY ang tatlong paslit na magkakapatid nang makulong sa nasusunog nilang bahay kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Kinilala ang magkakapatid na sina Janine Racel, 9; John Racel, 6; at Joshua Flores, 3, pawang residente ng Block 2, Sawata, Maypajo, Brgy. 35, Dagat-Dagatan ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat ni SFO2 Benedicto Tudla, arson investigator, dakong 6:35 a.m. nang lamunin ng apoy ang dalawang palapag na bahay ng mga biktima na gawa sa light materials.

Salaysay ng lola ng mga biktima na si Zenaida  Gatos, 56, may-ari ng bahay, maaaring naglaro ng posporo ang 3-anyos na apo na madalas gawin ng paslit.

Dakong 7:05 a.m. nang maapula ang apoy sa bahay ng mga biktima na umabot sa unang alarma. (ROMMEL SALES)