Wednesday , January 26 2022

Mga club cum putahan sa Pasay at Parañaque

00 rex target logo

KUNG may dapat bantayan ang mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ni Director Virgilio Mendez, ito yaong mga club cum putahan na nasa bahagi ng South Metro Manila na nasasakupan ng mga siyudad ng Pasay at Parañaque.

Sa Pasay City, bukod sa VOLCANO Disco na ni-raid na rin ng mga tropa ni Dan Bonoan ng NBI-ANHTRAD-IACAT, isang nagpapakilalang Art Paglabuan na dating taga-NBI din ang ipinagmamalaking padrino nito. Sa di kalayuan ay naririyan pa rin ang SOLUTION DISCO sa Arnaiz Avenue (formerly Libertad) na talaga namang hubo’t hubad ang mga kalalakihang rumarampa sa center stage nito. Pag-aari ang nasabing disco cum gay bar ng isangSonny Bascon na bagyo umano sa Pasay City Hall.

Sa FB Harrison street naman ay naroroon ang club cum putahan ni Zaldy na RICHMAN.

Nasa Roxas Boulevard pa rin ang D CZAR Club na minamantina ng isang alyas Manny Bugaw at Marino. Si alias General Nel Yatbu naman ang pamatong protektor nito.

Sa EDSA Entertainment Complex, nariyan ang mga bar na pag-aari ng mga banyagang negosyante na ang punong opisyo ay bar fine.

Sa Philtranco-EDSA, 777 Disco cum putahan naman niTon Noscal ang namamayagpag.

Dumako naman tayo sa siyudad ni ELO o better known asMayor Edwin L. Olivarez ng Parañaque.

Kabubukas lamang ang 5-Star LIBERTY Night Club cum putahan na pag-aari ng isang notorious Yakuza gang member na ang front at patong ay isa umanong mediaman at ang siyota niya na sina dobol J.J. AKINSE na nagsusulat at nasa classified ads sa isang broadsheet newspaper.

Bukod sa LIBERTY, pag-aari rin ng Yakyak na Hapones ang La la Land Disco sa Airport Road-Roxas Boulevard.

Nasa Service Road din ng Roxas Boulevard ang sikat naWHITE BIRD Disco na isang gay bar na pag-aari ng isangWilly Kalbo at minamantina ng isang alyas Joven Bugaw.

Last but not the least ang pamosong AIRFORCE 1 na bigtime spakol ni PACO.

First class prosti den po ito na may ilang dekada na ring napapaikutan ang mga anti-human trafficking task force.

Kung hindi man naiisahan ang NBI, it’s about time na malaman po ninyo Director Mendez kung sino-sino ang umaaktong ‘patong’ sa AIRFORCE 1 diyan sa NBI.

Nakatatawa kasing wariin, kung saan-saan naliligaw ang mga ahente n’yo sa buong kapuluan in search of human trafficking activities pero yaong nasa Parañaque City lamang ay hindi maabot o ma-monitor man lamang ng Intel ng NBI?

How disgusting!

Hindi po ba kayo nagtataka Director Mendez?

Kung ang lahat ay mamanmanan mabuti ng mga ahente niDirector Mendez ng NBI, tiyak na mapupuno ang detention cell ng bureau sa Taft Avenue, Maynila ng mga mahuhuling bugaw at child traffickers dahil marami sa mga club cum putahang ito, mga menor de edad na kababaihan ang ginagamit na kalakal sa kanilang ilegal na negosyo.

Tip na rin natin ito sa ating idol na si NCRPO Director, General Carmelo Valmoria.

Marami kasi General Valmoria na mga pulis-patola ang nagpapakilalang bagman ng NCRPO at naka-payola sa mga clubs na tinukoy natin sa araw na ito.

It’s time to shine Gen. Valmoria! Salakayin na po ninyo ang mga establisimyentong ating tinumbok para once and for all, malaman at mabatid n’yo kung sino-sino ang mga scalawags sa inyong hanay diyan sa NCRPO.

Kalawang silang sumisira sa maganda at malinis ninyong imahe.

Go na Gen. Valmoria!

Makinig sa DWAD 1098 khz am TARGET ON AIR Monday – Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

Rex Cayanong

About hataw tabloid

Check Also

BBM Bongbong Marcos

#MarcosDuwag nag-trending

DALAWAMPU’T APAT ORAS nag-trending ang #MarcosDuwag sa social media kamakailan mata­pos umatras ni presidential aspirant …

012122 Hataw Frontpage

Mandatory military service sa 18-anyos
SARA ‘BINARIL’ NG DND SEC

ni ROSE NOVENARIO                WALANG digmang pinaghahandaan ang Filipinas kaya hindi kailangan ang batas na magtatakda …

Sean de Guzman

Sean hiniwalayan ng GF; Paggawa ng sexy films ‘di tanggap

MA at PAni Rommel Placente INAMIN ng bida sa pelikulang Hugas na si Sean de Guzman na ang kanyang …

Sunog sumiklab
50 KABAHAYAN NATUPOK SA STA. MARIA, BULACAN

NAABO ang halos 50 kabahayan sa bayan ng Sta.Maria, sa lalawigan ng Bulacan, matapos sumiklab …

dead gun police

Holdaper todas sa enkuwentro, nagrespondeng pulis sugatan

PATAY ang isang holdaper, samantala sugatan ang isang pulis, sa naganap na enkuwentro sa Sitio …

Leave a Reply