Thursday , June 4 2026

Crime rate probe sa Senado inisnab nina Mar, Purisima

091714 grace poe senate purisima mar roxas

DESMAYADO si Sen. Grace Poe, chairman ng Senate committee on public order and dangerous drugs, dahil inisnab ni PNP chief, Gen. Alan Purisima ang ipinatawag na pagdinig hinggil sa lumalang kriminalidad sa bansa partikular na ang pagkakasangkot mismo ng mga miyembro ng pambansang pulisya.

Napag-alaman, ipinadala lamang ni Purisima ang kanyang kinatawan, habang wala rin ang pangunahing resource person na si DILG Sec. at Napolcom Chair Mar Roxas.

Gayonman, ipinagpatuloy ang presentasyon ng PNP kung ano ang kanilang plano at programa upang paigtingin ang kampanya laban sa kriminidad.

Tiniyak ni Poe na muli siyang magtatakda ng pagdinig ngunit dapat dumalo si Purisima para siya mismo ang sumagot sa mga isyu sa PNP.

(CYNTHIA MARTIN/NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …