Thursday , June 4 2026

3 brownies, 1 box polvoron, P634 hinoldap sa Red Ribbon

090914 polvoron brownies

ARESTADO sa mga barangay tanod ang dalawang miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik Gang makaraan maaktohan habang hinoholdap ang isang bakeshop sa Sta. Ana, Maynila kamakalawa ng hapon.

Nakapiit sa Manila Police District PS 6 ang dalawang suspek na sina Micheal Dela Torre, 26, at Mirasol Tayco, 27, kapwa ng 171 Estrella Street, Pasay City .

Ayon kay SPO1 Ronald Santiago, dakong 2:30 p.m. nang holdapin ng dalawang suspek ang Red Ribbon Bake Shop sa Sta. Ana, Maynila.

Nagroronda ang mga barangay tanod nang maaktohan ang mga suspek habang hinoholdap ang bakeshop. Kaya paglabas ng mga suspek ay agad silang dinakip ng mga barangay tanod.

Nabawi mula sa mga suspek ang tatlong packs ng brownies at isang box polvoron at halagang P634.00.

(LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …