Heart & Chiz engagement inisnab ng Ongpaucos
WALA ang mga magulang ni Heart Evangelista sa naganap na engagement proposal ni Senador Francis “Chiz” Escudero kay Heart Evangelista sa sa Sorsogon, Bicol kamakalawa.
Ayon sa mapagka-katiwalaang source, tanging ang ina ni Escudero, mga anak at mga kabigan nila ni Heart ang dumalo sa naganap na proposal.
Tinukoy ng source, makaraan ang proposal ay isang bonggang-bonggang fireworks display ang nasaksihan ng mga bisita.
Ngunit kinaumagahan (Agosto 24) ay nag-text ang ama ni Heart sa kanya, sinabing kung saan siya masaya ay wala silang magagawa.
Magugunitang tutol ang mga magulang ni Heart sa pag-iibigan ng magkasintahan.
Si Escudero ay nakipaghiwalay sa kanyang dating asawa na si Cristina.
Hindi matukoy ng source kung kailan magaganap ang kasal. Ibinahagi rin ng source na kitang-kita ang pagiging in-love ni Escudero kay Heart.
Katulad aniya ito ng unang pag-ibig ng senador sa dati niyang kaklase noong nag-aaral pa siya sa law school.
Aniya, anim na taon nagtagal ang kanilang relasyon ngunit nagkahiwalay rin.
(NIÑO ACLAN)

