NANOOD ng sine sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa Bonifacio High Street at nakunan sila habang pababa ng sinehan. Nakunan ng photo ang dalawa habang sakay ng escalator na very sweet na nakahawak si Sarah sa braso ni Matteo na nakatawa nang sila ay makuhanan ng photo.
Of course, ang daming kinilig sa picture na ‘yon na lumabas sa isang very popular blogsite. Kaya lang, mayroong mga nag-joke na baka kasama nila ang madir ni Sarah. Mayroon pang nagsabing baka ang madir nga ng Pop Star ang kumuha ng photo ng dalawa which to us is very impossible kasi ayaw nga nito si Matteo para sa kanyang anak na dalaga, ‘no!
Anyway, marami ang nag-comment ng positive about the couple base sa nakita nilang photo ng dalawa.
“I love this. Kitang-kita mo kung gaano kasaya si Matteo. Sana hayaan na sila ni Mommy Divine. I’ve always admired Sarah; pinag-aral ang mga kapatid. And take note, sa ibang bansa pa. Time naman na sarili niyang happiness ang unahin n’ya. ‘Yang happiness na ‘yan ang ‘di kayang ibigay ng pamilya n’ya,” may pakiusap na comment ng isang avid Sarah fan.
“See how proud matteo is to be with sarah g, until now siguro iniisip pa rin niya gaano siya ka-swerte that his dream came true..dont worry matt, ang swerte rin ni sarah sa ‘yo..hope kayo na forever..love love love!” sabi naman ng isa pa.
Pero siyempre marami pa rin ang nagdududa kung tatagal ang relasyon ng dalawa. It’s a known fact naman na hindi type ng madir ni Sarah si Matteo para sa Pop Star.