Friday , May 17 2024

I Do, naka-iiyak at nakatatawa

082214 juday I Do

00 fact sheet reggeeAKALA namin ay so-so lang ang bagong reality show ng ABS-CBN na I Do, realiserye ng Tunay na Pag-Ibig kaya hindi kami masyadong nag-expect sa advance screening nito noong Miyerkoles ng gabi sa Dolphy Theater.

Ang I Do ang bagong show ni Judy Ann Santos kasama si Jason Gainza at makakasama nila ang dalawang council na sina Coach Pia Acevedo at Dr. Julian Montano.

Habang pinapanood namin advance screening ng I Do ay hindi namin namalayang tumutulo na pala ang luha namin sa kuwento ng siyam na couple tungkol sa pinagdaanan nila sa buhay na parang pelikula.

Nahihiya pa nga kami magpahid ng aming mga mata kasi isip namin na masyado kaming OA pero hindi pala kami nag-iisa dahil halos lahat ng nasa venue ay ganito rin ang naramdaman kaya pala sabi ni Juday sa presscon ng I Do na ginanap sa The Oasis ay wala siyang ginawa kundi umiyak ng umiyak sa set at dala-dala niya hanggang pag-uwi ng bahay.

Pero marami ring beses din naman kaming humalakhak dahil sa mga nakatatawang eksena ng siyam na couple kaya naniniwala kaming magki-click ito lalo na sa mga magdyowa at mag-asawa na rin na tiyak na makare-relate.

Ang I Do realiserye ay mula sa unit ni Ms Mercy Gonzales na binuo para maipakita ang mga magdyowa kung paano nila harapin ang pagsubok sa buhay at para makilala ang isa’t isa at siyempre, interesado sila sa mapapanalunang furnished house and lot mula sa Lancaster Pro City Village sa Cavite, P1-M, at ang pinakaaasam-asam na grand wedding.

Ang siyam na couple ay binubuo nina Christian (22) at Chelsea (24), parehong modelo at tatlong buwan palang magka-relasyon pero gustong-gusto na nilang magpakasal dahil pakiramdam nila ay soulmate sila.

Ang magkasosyo sa negosyong sina Emil (28) at Honey (27) na limang taong magkarelasyon at parehong taga-Baguio City na gusto na ring magpakasal, pero hindi pa financially stable ang guy dahil wala pa raw siyang masyadong ipon at sariling bahay.

Masayahin sina Emil at Honey kasi pareho silang komedyante kaya saya-sayahan ang drama naman nila sa I Do village kasama ang dalawang couple sa isang bahay.

Koreano si Jimmy (30) at Pinay si Kring (28) at tatlong taon na silang mag-dyowa at matiyagang tinuturuan naman ni gurl si boy magsalita ng sariling wika natin dahil pakiramdam nilang dalawa ay ang isa’t isa na ang future nila.

Ani Kring, “matagal akong naghintay ng lalaking gusto kong makasama kaya hindi ako nag-boyfriend at ngayong natagpuan ko na si Jimmy, he will be my first and last.”

Magkapitbahay na nagkagustuhan ang drama nina Chad (20) at Sheila (20) na pitong taong magkarelasyon at base sa love story nila ay maraming beses na silang sinubok ng panahon at nanatiling sila pa rin.  Kailangan daw nilang manalo para may pag-umpisahan sila sa future nila.

Bagamat mga bata pa ay super proud parents naman sina Miko (20) at Mariz (21) dahil nabiyayaan na sila ng anak maski hindi pa kasal.  Walang pagsisisi sa tatlong taong relasyon dahil para sa kanila ang anak nila ang naging dahilan para lalong tumibay ang kanilang pagsasama.  ‘Yun nga lang, aminadong hindi pa nila kayang magpakasal dahil wala silang pera at bahay.

Ilang babae na ang dumaan sa buhay ng negosyanteng si David (44) pero hindi niya naisip magpakasal dahil katwiran niya ay wala pa sa kanila ang gusto niyang makasama sa buhay bukod pa sa nag-ipon muna siya ng husto. Pero ng makilala niya si Karen (20), DJ sa kilalang radio program ay nabago ang pananaw ni Mr. Gentleman at inaming gusto na niyang magkaroon ng pamilya.

At nang tanungin sila ni Judy Ann kung gusto na nilang magpakasal kaagad ay sumagot ng ‘no’ si David dahil pakiramdam niya ay may sagot pa siyang gustong marinig kay Karen na sa kabilang banda ay handang-handa na rin siyang pakasalan ang boyfriend na halos kalahati ang agwat ng edad niya.

Sa 11 years na magdyowa nina Carlo (30) at Kara (28) at aminadong engaged na sila pero kailangan pa rin nila ng additional funds para sa future nila kaya sila sumali sa I Do.

Parehong nasa hay-iskul nang magkagustuhan sina Kaiser (24) at Jzajza (24) at sa walong taon nilang pagsasama bilang sweethearts ay alam nilang sila na in the future, ‘yun nga lang, hindi pa rin sila financially stable kaya kailangan nilang manalo rin sa I Do para matupad ang mga pangarap nila.

Parehong celebrity sina Harry (28) dahil isa siyang football player ng Volcanoes at si Princess (27) ay ex-girlfriend ni Tom Rodriguez na sumali na rin sa isang reality show.

Kuwento ng dalawa, maraming dumaan na sa buhay nila, pero sila ang heaven-sent sa isa’t isa maski isang taon palang silang magkarelasyon, pakiramdam nila ay swak na swak sila sa lahat ng bagay.

Mapapanood ang I Do realiserye ng Tunay na Pag-Ibig tuwing Sabado at Linggo simula sa Agosto 30.

ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Blind Item, Woman, man, gay

Gay showbiz personality hinimok magka-anak asawang male model sa GF

ni Ed de Leon NAPAG-USAPAN na rin lang iyang same sex marriage, noon pa namin …

Heart Evangelista

Heart magdadahan-dahan muna sa trabaho

HATAWANni Ed de Leon NAGDESISYON ngayon si Heart Evangelista na kailangan nga raw siguro siyang mag-slow down …

Robin Padilla Queenie Kylie Zherileen

‘Karma’ ni Robin unfair ipasa kina Queenie at Kylie

HATAWANni Ed de Leon PARANG unfair naman ang sinasabi ng mga tao kung minsan, nang …

Medwin Marfil ng True Faith ikinasal sa BF na si Mark Angeles

Medwin Marfil ng True Faith ikinasal sa BF na si Mark Angeles

HATAWANni Ed de Leon MGA ilang taon na rin ang nakararaan, may isang abogado na …

Kelvin Miranda Kira Balinger

Kelvin at Kira ‘di naiwasang ‘madala’ sa kanya-kanyang role

MAGANDA na talaga ang tila balik-normal na activity ng mga tao lalo na ‘yung mahihilig …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *