Friday , May 17 2024

May kulong ang mag-amang Binay

00 pulis joey

NA-MONITOR nyo ba ang pagdinig sa Senado kaugnay ng bilyones na Makati carpark building nung Huwebes?

Nakalulula ang overprice sa pagpagawa ng 11 palapag na gusali para sa parking na ginastusan ng taxpayers money ng Makati.

Almost P2 billion daw ang overprice, ayon sa datus ng Commission on Audit (CoA). Ang dapat daw na halaga ng building ay P700 million lamang kahit ginastusan pa ng Grade A materials.

Nagawa ang gusali mula sa panunungkulan nina ex-Mayor ngayon ay Vice President Jejomar Binay at anak niyang kasalukuyang mayor na si Junjun.

Maging ang kilalang building appraiser na Cuervo and Associates ay nagsasabing hindi aabot ng P2.7 billion ang 11 palapag ng gusali kung walang nangyaring katiwalian o overprice.

Ang depensa naman ni Mayor Junjun Binay ay ginastusan nila ng malaki ang pundasyon ng gusali dahil malapit ito sa ilog at malambot ang lupa.

Pero sinopla parin ito ng building appraiser. Kahit daw anong tibay pa ng pundasyon ay hindi parin ito aabot ng P2.7 billion.

Nabulgar din na iisang kontraktor lang ang gumawa sa limang bahagi na paggawa sa nasabing gusali. At lumabas na napakabilis ng bawat bidding sa bawat phase.

Ikinumpara rin dito ang paggawa sa dalawang high end condominiums – 46-palapag na Makati Shang Grand Tower at 57-palapag na Greenbelt Residences – na nasa P2 billion lang ang nagastos.

Anyway, ang mag-amang Binay kasama ang ilang konsehal pati na ang babaeng City Auditor na umano’y naglinis sa katiwalian sa paggawa ng naturang carpark building ay kinasuhan na ng plunder sa Ombudsman.

Pag nakitaan ng Ombudsman ng ‘probable cause’ ang isinampa laban kina Binay et al… at isinampa ang kaso sa Sandiganbayan, malamang na magkita-kita sila sa kulungan nina Jinggoy Estrada, Juan Ponce Enrile, Ramon Revilla, Janet Napoles at iba pang nasangkot sa P10-B pork scam.

Teka nga pala, bakit itong sina Jinggoy, Enrile at Revilla ay nasa epsesyal na kulungan gayung pandarambong (plunder) ang kanilang kaso, samantalang si retired Major General Jovito Palparan na ang kaso ay paglaban sa mga kalaban ng gobyerno ay nasa Provincial Jail kasama ang mga notoryos na kriminal! Tsk tsk tsk…

Ang NPA at si Gen. Palparan

– Yang mga NPA na yan ang berdugo, salot sa lipunan, nanunog ng machineries, pumapatay ng mga tao na hindi nagbigay ng rev tax. Gen Palparan just obeying a chain of command. – 09155665…

Si Palparan nang ma-assign sa Samar…

– Gud am. Joey, isa po akong tagasubaybay ng iyong kolum. Reaksyon ko lang po tungkol sa nag-text sayo kay Palparan na biktima raw ng panahon at pulitika. Sinungaling sya! Taga-Samar ako at alam ko ang mga pangyayari dito. Sa panahon ni Palparan, suspek ka palang papatayin ka na. Ang daming inosente ang namatay dahil kay Palparan, pati mga bata nadamay. Di man siya ang gumagawa, utos naman niya. Kung alam nyo lang, Sir Joey, na kahit sampung beses pa patayin si Palparan, kulang pa yang kabayaran sa mga buhay na kanyang sinira. Salamat po. – 09363254…

Taguig City Mayor Lani Cayetano, pakinggan mo ito…

– Mr. Venancio, sa pamamagitan nyo, gusto ko lamang maiparating sa aming butihing mayor ng Taguig City na si Mayor Lani Cayetano ang aming hinaing dito sa Brgy. Bagong Tanyag dahil sa maliban sa mga naglipana na mga drug addict, nagsasawa narin sa lugar namin ang Meralco na laging pumuputok ang linya ng kuryente dahil sa mga illegal connection dito sa aming barangay. Na kahit alam ng aming “bading” na barangay chairman ay pinapabayaan lang at hindi nya masaway sapagkat ang alam ng mga nakararami ay mga ka-tropa nya ang mga ito. Katunayan nga, ngayon lang kami nagkailaw makalipas ang halos 24 oras na walang kuryente. Ang nakakaawa pa rito, ang mga bata halos nagkakasakit na dahil sa alinsangang panahon, dahilan para pagpawisan at kasunod na ang sipon at ubo. Kaya po naglakas loob ako sumulat sa inyo upang kahit manlang sa pamamagitan ng inyong aksyon ay makarating ito sa aming mahal na Mayora Cayetano. Salamat. – 09996957…

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About Joey Venancio

Check Also

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Inday Fatima Ana Ramsey Queenay

Inday Fatima, Ana Ramsey, Queenay mga bagong host ni Willie sa TV5

I-FLEXni Jun Nardo IPINAKILALA na ang tatlong female co-hosts ni Willie Revillame sa bago niyang game show …

Blind Item, Woman, man, gay

Gay showbiz personality hinimok magka-anak asawang male model sa GF

ni Ed de Leon NAPAG-USAPAN na rin lang iyang same sex marriage, noon pa namin …

Heart Evangelista

Heart magdadahan-dahan muna sa trabaho

HATAWANni Ed de Leon NAGDESISYON ngayon si Heart Evangelista na kailangan nga raw siguro siyang mag-slow down …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *