Saturday , April 27 2024

Truck driver kritikal sa 3 hijackers

KRITIKAL ang kalagayan ng driver ng 14-wheeler truck na may kargang semento makaraan saksakin ng tatlong hijackers at inagaw ang minamaneho niyang sasakyan bago siya itinapon sa madilim na lugar kamakalawa ng gabi sa Brgy. Sta, Maria, Mexico, Pampanga.

Ayon sa mga awtoridad, dakong 8 p.m. binabaybay ng biktimang si Ricardo Balmores, driver ng 14-wheeler truck, ang provincial road ng San Ildefonso, Bulacan nang parahin siya ng suspek na si Ferdinand Istraita, kapwa driver, at dalawa pang kasama, at nakiusap na makikisakay.

Pumayag ang biktima ngunit inagaw ng isa sa mga suspek ang manibela at pinagtulungan siyang igapos saka siya pinagsasaksak sa likod.

Pagsapit sa Sta, Maria, Mexico ay itinapon siya sa madilim na lugar. (RAUL SUSCANO)

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *