ni Peter Ledesma
Yes, hindi na lang ang mga totoong sexy o mga tinaguriang FHM Girls ang pwedeng rumampa ngayon sa harap ng telebisyon. Maging ang mga matatabang mommies na big in beauty, big in talent at big in wit ay pwede nang bumida as contestant sa bagong daily Pakontes ng Eat Bulaga na “FHHM” o For Heavy & Healthy Mommies. Aba bawat episode ng FHHM ay talagang pinag-uusapan at trending kasama ng nakaaaliw nilang Quotable Quotes tulad ng pinakawalan ng isang kalahok na.
“Kapag nanalo ako sa contest na ‘to. I think, I deserve a dessert.”
O di ba? Food pa rin ang nasa isipan at carry naman dahil ang tunay na maganda ay hindi raw takot tumaba. Kaya kung gusto ninyong ma-inspire at marelaks watch na ng FHHM sa Bulaga.