Friday , January 28 2022

KC Concepcion eeksena sa tambalang Coco at Kim mga aktor na magpapatuloy ng Ikaw Lamang makikilala na ngayong Agosto

080714 Coco kim kc
ni Peter Ledesma

Parating na ang malaking pagbabago nga-yong Agosto sa toprating “master teleserye” ng ABS-CBN na “Ikaw Lamang” sa pagpasok ng mga bagong karakter na bibigyang-buhay ng ilan sa pinakamahuhusay na aktor sa bansa. Matapos gampanan ang mga karakter nina Samuel at Isabelle, ipagpapatuloy ng grand slam Best Actor of the Year na si Coco Martin at 2014 Yahoo! Actress and Celebrity of the Year Kim Chiu ang kwento ng “Ikaw Lamang” bilang ang susunod na henerasyon ng pamilya Hidalgo at Severino na sina Gabriel at Andrea. Makakasama nila ang 2014 FAMAS Best Actress na si KC Concepcion, na gaganap bilang ang nakatatandang ka-patid ni Andrea na si Natalia. Tampok naman sa “Ikaw Lamang” simula ngayong Agosto ang seasoned actors na sina Amy Austria bilang Isabelle, Joel Torre bilang Sa- muel, Rio Locsin bilang Lupe, Nonie Buencamino bilang Calixto, at Christopher de Leon bilang Franco. Kabilang din sa bagong cast members sina Smokey Mana-loto, Arlene Muhlach, Jojit Lorenzo, Alora Sasam, at Mylene Dizon. Mula nang umere noong Marso, gabi-gabi nang namayagpag ang “Ikaw Lamang” sa national TV ratings dahil sa nakakikilig na is-torya ng pagmamahalan nina Samuel at Isabelle. Mabibigyang katuparan na ba sa kasalukuyan ang pag-ibig na hinadlangan ng nakaraan? Sa ilalim ng direksyon nina Direk Malu Sevilla, Manny Palo, at Avel Sunpongco, ang “Ikaw Lamang” ang “master teleserye” ng ABS-CBN at isa sa mga obra ng Dreamscape Entertainment Television. Huwag palampasin ang kapana- panabik na pagdating ng mga bagong karakter sa “master teleseryeng” “Ikaw Lamang,” gabi-gabi, pagka- tapos ng “Hawak Kamay” sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng “Ikaw Lamang,” bisitahin lamang ang official social media accounts ng programa sa Facebook.com/IkawLamang. Online, Twitter.com/IkawLamang_TV at Instagram.com/IkawLamang_TV.

About hataw tabloid

Check Also

Kris Aquino

Kris binuweltahan mga nagpapakalat ng fake news — Sorry buhay pa… it’s not yet goodbye

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga TINAWAG ni Kris Aquino na fake news ang mga kumalat na tsismis …

Korina Sanchez Ping Lacson

Korina aliw sa pa-farm ni Sen Ping

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI maitago ni Korina Sanchez-Roxas ang aliw nang magtungo sa farm ng …

Nadine Lustre Tattoo

Nadine muling nagpa-tattoo sa braso

MATABILni John Fontanilla IPINAKITA ni Nadine Lustre ang bagong dragon tattoo sa kanyang braso na umabot hangang …

Sean de Guzman

Sean miss na ang pagsasayaw
BIBIDA NAMAN SA ISANG SERIES

NAKAUSAP ko si Sean de Guzman lately in a serious note. Totoo palang miss na miss na rin …

Jos Garcia

Jos Garcia apektado ng lockdown sa Japan

MATABILni John Fontanilla LOCKDOWN ngayon sa Japan dahil sa pagtaas ng kaso ng Covid 19 …

Leave a Reply